Prologue
"What? Hindi ka na naman pupunta sa book signing event?" malakas na sabi ni Keana, ang may-ari ng publishing na pinagtatrabahuhan niya at matalik na kaibigan.
Yes, naging kaibigan niya ito three years ago nang minsang sumama sa isang hiking na kinabibilangan din nito. Wala naman siyang hilig doon, napilitan siya dahil sa makulit niyang kaibigan din na kilala din ng boss.
"Y-yeah," mahinang sabi niya.
"Kawawa naman nga readers mo, naghosting na naman sila!" bigla itong nalungkot.
"Eh, sa hindi pa ako handa, alam mo naman pinag susulat ko diba? Baka mamaya magulat na lang ako mabastos ako ng kung sino sino,"
Tumingin ito sa kaniya.
"You have a point, anyway," sang-ayon naman nito.
Kahit kailan ay hindi siya uma-attend ng event na mga gan’yan. Sumisilip lang siya para mainspire sa pagsusulat.
"I have to go," aniyang sinipat ang relong pambisig.
"Okay! Take care Eve, sana makilala mo na si Adam ng bu-life mo!" pabirong pahabol nito sa kan’ya.
Lagi na lang itong gano’n. Ilang taon na din siyang binebenta sa mga kaibigan nito. Last time sa ZL Lounge nang minsang sinubukan niyang sumama dito para sa malibang at para din sa sinusulat niya.
Bago niya sinusulat sinusubukan niya muna aside from sex. Yes, halos SPG ang naisusulat niya. Sobrang benta kasi sa mga readers. Kahit ganoon ang sinusulat niya hindi pa niya ito nararanasan sa tanang buhay niya. In short, she's still a virgin. Maraming p*rn videos na siyang napanood. Ni isa sa mga ginagawa ng mga ito ay hindi pa nasubukan. Siyempre wala pa sa isip niya. Wala pang nagpapainit sa malamig niyang mundo! Sa tamang panahon, ika nga!
Pagkalabas ng unit ng boss ay agad na tinungo niya ang daan papuntang elevator. Napatingin siya sa mga kasabayan. Halos nakadress ang mga ito, magagara pa. Yong iba blouse pero halatang pangmayaman. Oo nga pala mayaman si Keana, nandito siya ngayon sa building ng mga may sinabi sa buhay. Yong afford makabili ng condo.
Napatingin siya sa suot na fitted jeans na black na na hindi aabot sa paa niya at cotton loose shirt na kulay navy blue. Okay naman, bago naman ‘yong kaniya, bagong bili sa Divisoria!
Napangiti na lang siya sa sarili.
Wapakels! sigaw niya sa isip.
Muling napatingin siya sa relo, cassio iyon. Class A. Binili niya din sa Divisoria. Mukha namang original, eh.
Ang bilis ng oras. Thirty minutes na lang bago ang shift niya. Nagpa part-time din siya sa isang fast food. Alas-sais hanggang alas-nuebe ng gabi ang pasok niya. Pagkatapos ng shift ay nagsusulat siya. Full time writer siya kung tutuusin pero mas pinili niyang magtrabaho pa sa fast food dagdag income na din.
Sarili lang niya ang iniintindi, wala na siyang pamilya. Hindi niya rin alam bakit wala na siyang pamilya. Ayaw niya na din alamin kasi paniguradong masakit. Kung nila sa kan’ya, fine okay lang. Sapat naman ang pagmamahal na binigay ng yumaong ina-inahan niya. Kuntento na rin siya sa kung anong meron siya ngayon. Basta kumakain ng tatlong beses sa isang araw okay na.
Pagbukas ng elevator ay lakad takbo ang ginawa niya. Malelate na siya panigurado. May dala siyang box na naglalaman ng mga hard copies ng mga naisulat niya. Kaya hindi siya maka-takbo.
Dahil sa pagmamadali ay hindi niya namalayang may taong kasalubong na hindi rin nakatingin sa daraanan. Kahit anong iwas niya ay sa tingin niya mabubunggo niya pa rin ito. Hindi nga siya nagkamali. Ayon nagliparan ang ibang libro dahil hindi naman naka sealed iyon.
Tumulong din ito pati ang kasama nito. Yumuko siya at nagsorry at nagpasalamat na din. Hindi niya alam na may naiwan pa palang isa.
"Miss!"
Narinig niyang tinawag pa siya pero hindi niya pinansin dahil malelate pa lalo siya.
SAMANTALA nakailang tawag na siya sa babeng nakabunggo sa kaniya pero hindi ito lumingon.
Napatingin siya sa hawak na libro. Maliit iyon. Napakunot-noo siya. Hindi siya pamilyar sa ganitong libro.
"What kind of book is this, Jess?" tanong niya sa assistant at itinaas iyon.
Tiningnan nito at binasa ang likod, nakangiti ito kapagkuwan.
"What's wrong?" aniya.
"A-ah boss, ano po. Pocketbook," anito at ibinalik sa kan’ya.
"Ah, I see!" Tinitigan niya ang cover niyon. Medyo daring ang cover na iyon. Napailing siya.
Inilagay ni Jess ang libro sa bag niyang hawak nito. Agad na sumakay sila ng bumukas ang elevator.
Naalala niya ang babaeng nakabunggo niya. Ordinaryong babae lang ito. Hindi siya nakatira sa condominium na iyon, sigurado siya doon. Saka na lang niya iisipin kung itatapon ba ang libro o hindi.
Pagdating sa unit niya ay dumerecho agad siya sa kuwarto para maligo. Nilapag ng assistant niya ang mga dala at nagpaalam na din.
Napatingin siya sa isang frame na nakadikit sa wall niya. Kuha iyon noong kasal nila.
Yes, he's married.
Napapikit siya. Miss na miss na niya ang asawa. It's been four years ng mabiyudo siya sa edad na bente-sais. Thirty-two na siya ngayon. Still single. Walang sinuman ang makakapantay sa asawa niya. O mas tamang sabihing wala na siyang ibang mamahalin kundi ang namayapang asawa.
Ilang babae na ba ang pinahubad ng mga kaibigan sa harap niya? Ni hindi man lang gumalaw ang alaga niya. Kaya hindi na niya pinipilit ang sarili na maghanap ng babaeng magpapaligaya sa kan’ya. Dahil mukhang wala ng ibang hahanapin ito kundi ang namatay niyang asawa.
Mabilis na naligo siya at nagbihis. Kinuha niya ang bag sa sala na dala kanina ng assistant.
Inilabas niya ang mga papeles na kailangang pirmahan. Napatingin siya sa nahulog. ‘Yong libro pala na nahulog ng babae kanina.
Hindi niya alam parang may nag udyok sa kan’yang basahin iyon. Binuksan niya ang unang pahina. Napako ang tingin niya sa pangalan ng writer.
"Eve… " wala sa sariling naibulas niya.
Damn!
Pangalan pa lang, parang kakaiba na. Kaya pinagpatuloy niya ang pagbuklat ng mga pahina. Prologue iyon.
Tagalog ang gamit ng manunulat. Hindi niya namalayan ang sarili na binabasa na pala iyon.
Bigla siyang naka-ramdam ang init nang mabasa ang part na ginagawa ng dalawang nagmamahalan.
Bawat kataga na nasa parteng iyon ay may dirty talk, but with respect base na din sa pagkakasulat. Detalyadong detalyado ito. Naiimagine niya ang bawat kilos ng dalawang character sa binabasa. Pati mga linya ng mga ito talagang tumatagos sa katawan niya. Pakiramdam niya siya ang katalik ng babae sa binabasa kaya lalong umiinit ang pakiramdam niya.
Napapikit siya. Kaya, napahawak siya sa pagitan ng hita niya ng biglang nakaramdam ng paninikip.
Ito ang unang pagkakataon na makaramdam siya ng ganoon sa loob ng apat na taon.