GLAIZA "O Tsong, bakit ganyan yung mukha mo? Kanina naman okay ka lang ah. Bakit ngayon parang pinagsukluban ka ng langit?" natatawang tanong sa akin ni Chynna nung maabutan nya akong nakahalumbaba at nakatulala sa loob ng tent. Well tama naman sya, okay naman ako nung dumating ako sa set kanina, all smiles pa nga eh. Kaso bigla na lang kasing may nanggambala sa umaga ko at hanggang ngayon, hindi ko alam kung ano yung gagawin ko. "Sumama lang yung pakiramdam ko." pagsisinungaling ko sa kanya. Tiningnan naman nya ako na may halong pagdududa. Grabe sya o, ayaw talagang maniwala sa akin. "Nice try Cha. Alam kong may bumabagabag sa'yo kaya ka ganyan. Ano pa't naging bestfriend mo ako kung hindi ko rin naman alam kung ano yang pinagdadaanan mo diba?" sabi pa nya. Malungkot na inilabas ko