GLAIZA "Hoy Chynna Ortaleza, ano 'to?!" malakas na tanong ko dito nung mabasa notifs ko sa twitter. Jusmiyo, iniistress nya talaga ako. Ugh! Nasa sasakyan na ulit kami. Kakatapos lang namin kumain. At dahil nagmamadali nga kami, eto, byahe na ulit. Eto namang katabi ko, tatawa-tawa lang habang nakatingin lang din sa phone nya. Bakit ba ang sasaya nila kapag napipikon ako? Tsk. "Eh bakit, totoo naman yung sinabi ko dyan ah. Diba?" tukso pa ni Chynna. "Hindi totoo yan. Aksidente nga lang diba?" inis pa rin na sabi ko. "Asus. Aksidente yer fes!" natatawang sabi pa nito. At etong si Rhian, imbes na tulungan akong magpaliwanag, parang tuwang-tuwa pa sa nangyayari. Hay nako! "Eh ano ba yang pinagtatalunan nyo?" tanong ni Sheena kaya pansamantalang naputol yung sagutan namin ni Chynna. "T