Chapter 2

1925 Words
GLAIZA "Cha, nasabi na ba sa'yo nila Direk kung sino yung magiging Jade mo?" tanong sa akin ni Chynna habang nag-aayos sya ng mga gagamitin nya para sa taping mamaya. Pinuntahan ko sya dito sa condo nya kasi nga di daw sya maihahatid ni Kean ngayon, tapos coding pa sya. At dahil mabait akong kaibigan, sinabihan ko na lang sya na sa akin na sumabay. "Sabi nila, isa daw kila Heart, Lovi, Jen, Carla, and Rhian." sagot ko naman sa kanya. "Ay wow. In fairness, 'hot' sila lahat." ngiting-ngiting sabi nya. "Ay 'te! Baka naman nakakalimutan mo na hindi ka si Batchi ngayon. Maka-'hot' ka naman dyan. Eh hello, babae tayo pare-pareho." sabay irap ko sa kanya. "Wooshoo. Naiinggit ka lang sa kanila kasi hindi ka na nga kasing 'hot' nila, mukha ka pang panda." sabay ngisi pa sa akin. Aba ang bruhang 'to! Walang pakundangan! Eh kung iwan ko kaya sya dito para maranasan nyang magcommute ngayon?! "Ah ganon? Pwes, wag kang sasabay sa akin, baka hindi kita matantya!" inis na sabi ko sa kanya at akmang tatayo. Natatawa naman syang lumapit sa akin. "Ikaw naman hindi ka na mabiro. Kelan ka pa naging ganyan ka-sensitive ha, Glaiza De Castro?" sabi nya habang pinipigilan akong lumabas. "Grabe ka kasing makaalipusta sa akin. Eh kung tutuusin, mas maganda ako sa kahit kanino sa kanila no." sabay irap ko sa kanya. "Sabagay. Mas maganda ka naman talaga dun sa apat. Pero Tsong, aminin mo, iba yung ganda ng Rhian Ramos. Grabe, kung yun yung makakapartner mo, sobrang swerte mo!" sabi nya na parang nagdadaydream pa. Napataas naman ang kilay ko sa sinabi nya. Seriously? Si Rhian na naman? Asan naman yung ganda don? Sus! Mga bulag ba sila? "Sus! Nadadala lang ng make-up yon!" Sabi ko na lang at nauna na rin akong naglakad papunta sa elevator. "Hoy grabe ka naman! Maganda pa rin sya kahit walang make-up no! Sus, baka pag nakita mo yon, bigla kang bumaluktot at mainlove bigla sa kanya." aba, at binilisan din pala nya yung paglalakad. Tsk. Hindi ba nya napansin na hindi ko naman gustong pag-usapan yung Rhian na yon? Bakit kasi sila puro Rhian, Rhian, Rhian. Medyo nakakakulili lang sa tenga eh. Inis na pinagpipindot ko na lang yung button sa elevator dahil naiinis na ako sa pangalan na yon. "Hoy ano? Hindi ka makapagsalita dyan. Tama ako no? Pwede ka talagang mainlove sa kanya no?" tukso pa sa akin ni Chynna. "Excuse me? Kahit sya na lang yung natitirang babae dito sa mundo, hinding-hindi ako babaluktot at maiinlove sa Rhian Ramos na yan no! Kung lalaki ako, ayoko sa babaeng, umaasa lang sa make-up!" sabay pasok sa elevator na kanina pa pala nakabukas. Agad akong pumwesto sa may bandang dulo. Ayokong lumapit kay Chynna dahil baka banggitin na naman nya si Rhian. "Uh, Hi Rhian. Dito ka din pala?" narinig kong sabi pa ni Chynna. See? Ayaw talagang tumigil. "Ah. Yeah. Medyo mahihirapan kasi ako kung manggagaling pa ako sa bahay namin sa Alabang kaya eto, dito muna ako sa ngayon." bigla naman akong namutla nang marinig yung boses na yon. Oh no. Don't tell me sya talaga 'to at narinig nya yung sinabi ko kanina. Unti-unti kong inangat yung paningin ko para siguraduhin kung sya nga yung kausap ni Chynna. Sh*t! Sana hindi sya, sana hindi sya please? Pagtingin ko sa kanya, nakatingin din pala sya sa akin dahil nakaharap sya dun sa pwesto ko. Nakangiti lang sya ng nakakaloko sa akin na para bang sinasabi na narinig nya lahat ng sinabi ko kanina. "Oh, Hi Glaiza." nakangiting bati pa nya sa akin. "Awkward." narinig kong bulong ni Chynna kaya sinamaan ko sya ng tingin. Kasalanan nya kasi lahat 'to. Ngumiti lang ako sa kanya at pagkatapos ay tumungo na lang ulit. Bakit kasi hindi ako nag-iingat eh. Bakit ba umiral na naman yung pagiging taklesa ko. Bakit ba ang tagal makababa ng elevator na 'to? Hiyang-hiya na ako dito o? Gustung-gusto ko na pong umalis sa harap ni Rhian Ramos. Ramdam ko kasing nakatingin pa rin sya sa akin hanggang ngayon. At dahil sa kahihiyan, pagtunog na pagtunog ng elevator, nagmamadali akong lumabas at wala akong pakialam kung maiwan ko man si Chynna. Ang aga-aga pa lang, ang fail na ng araw ko. Bwiset! Pasakay na sana ako sa sasakyan ko nang biglang may nagsalita sa likod ko. "Btw Glaiza, wag ka munang magsalita ng tapos dahil baka biglang kainin mo yang sinabi mo. And one more thing, I'm not wearing any make-up pa ngayon, baka gusto mo akong tingnan ng derecho para makita kung gaano ako kaganda." narinig kong sabi nya kaya automatic na napatingin ako sa kanya. At ayun na naman yung nakakainis nyang ngiti. Ugh! "Kidding! Ang cute mo lang kasi kapag kumukunot yang noo mo." sabi nya sabay start ng sasakyan nya. "See you." sabi pa nya sabay kindat. Naiwan naman akong nakatulala dahil sa sinabi nya. Ano daw? Cute daw ako? D*mn! Erase erase Glaiza! Tandaan mo, hindi mo sya gusto. "Boom panes ka no Cha!" tatawa-tawang sabi ni Chynna habang inilalagay yung gamit nya sa sasakyan ko. Inis na sumakay na lang ako at inistart yung sasakyan ko. Way to go to ruin my day Rhian Ramos. Sana, eto na yung huling beses na makita kita. "Hoy Cha! Hinay-hinay sa pagddrive. Aba'y baka mabangga naman tayo dahil sa inis mo. Tandaan mo, kasalanan mo naman dahil masyado kang taklesa. At isa pa, may point sya, maganda talaga sya kahit wala syang make-up." sabay ngiti ulit ni Chynna. Inirapan ko lang sya at pinagpatuloy yung pagddrive. Ayoko na munang magkomento at baka humaba na naman yung usapan tungkol sa babaeng yon. Pagdating namin sa set, halos nandon na lahat ng mga kasama namin. Kami na lang daw dalawa ni Chynna yung hinihintay at yun daw papalit nga kay Ate Yan. Bakit ba kasi kailangang surprise-surprise pa? Bakit hindi na lang sabihin sa amin kung sino diba? "Sis. Wala ka ba talagang idea kung sino yung papalit kay Ate Yan?" tanong sa akin ni Sheena nung umupo ako sa tabi nya. "Hindi ko kasi alam kung sino dun sa limang sinabi ni Bai eh. Pero sabi naman ni Direk parating na daw yon kaya makikilala na rin natin sya." nakangiting sagot ko naman. "Pero sana si Rhian no?" bigla namang nawala yung ngiti ko dahil sa sinabi nito. Na naman? Okay na eh. Medyo nawala na sa isip ko yung disaster na encounter namin kanina eh, tapos eto na naman? Wala na ba silang ibang alam na pangalan? "Ay sumimangot si Cha. Bakit, ayaw mo sa kanya?" singit naman ni Katrina sa usapan namin. "Meron kasing---" magsasalita sana si Chynna pero sinamaan ko sya ng tingin kaya tumahimik na lang sya. "Sis wag ganyan. Kahit naman hindi mo gusto yung tao, if ever sya nga yung mapili ng management, dapat magpakaprofessional ka. At saka diba, nangako tayo kay Ate Yan na susuportahan natin kung sino man yung papalit sa kanya?" sabi pa ni Sheena. Pilit naman akong ngumiti sa kanila. May point naman kasi si Sheena eh. Nagpromise nga pala kami kay Bai. Pero kasi hindi ko lang talaga alam kung papa'no ko papakisamahan si Rhian if ever sya nga yung magiging ka-loveteam ko. And hello, kailangan naming maging super close kung sya talaga si Jade. Pero naniniwala ako na isa dun sa apat yung mapipili at hindi si Rhian. Sana sana sana. "Pero kasi diba may show si Lovi and Heart ngayon? Pati ata si Jen no?" narinig kong sabi naman ni Mike. Hala, so pa'no yan? Dalawa na lang yung pagpipilian? Pero malay naman natin matatapos na yung teleserye nung isa sa kanilang tatlo diba? "And si Carla ata, may ibibigay na romcom something." sabi naman ni Katrina. Bigla namang nanlaki yung mata ko. So ano 'to? Si Rhian na lang talaga? Eh sinabi pa nilang mamimili sila kung biglang isang tao na lang pala talaga yung available? Tsk. Pero hindi pa rin ako nawawalan ng pag-asa. Naniniwala akong isa kay Heart at Lovi yung pipiliin nila. Bagay kaya sa kanila yung character ni Jade. At si Heart, chinese na chinese ang datingan. Tapos si Lovi, parang hindi makabasag-pinggan yung aura kaya super sure ako na isa sa kanila yung magiging ka-loveteam ko. "So that leaves us with Rhian?" sabi naman ni Chynna na ngiting-ngiti pang nakatingin sa akin. Psh, batukan ko kaya 'to. "If ever si Rhian nga, bagay sila nitong si Glaiza, may chemistry. Cute nila siguro tingnan together no?" komento naman ni Sheena. "Hindi yan. Si Heart yan or si Lovi. Yun yung pakiramdam ko." kampanteng sabi ko pa. At hello, sa itsura ni Rhian kanina, halata namang hindi sya dito pupunta no? At kung sya nga talaga, eh di dapat, kanina pa sya nandito. Nauna syang umalis sa amin ni Chynna kanina diba? "Gusto mo pustahan tayo?" sabi pa ni Mike. "O sige. Basta ako Heart or Lovi. Final na yon." nakangiting sabi ko. "Sige, kaming lahat, Rhian." "So, anong makukuha ko kapag nanalo ako?" nakangiting tanong ko. "Lilibre ka namin mamaya ng dinner tapos kami rin bahala dun sa iinumin natin sa party mamayang gabi." sabi naman ni Mike. "Party?" takang tanong ko. Meron bang may birthday sa amin? Bakit di ko alam. "Welcome party para dun sa bagong Jade ng buhay ni Althea." sagot naman ni Katrina. Tumango-tango naman ako. "I see." "Oy wait. Hindi pa natin nasasabi kung anong gagawin ni Cha kapag natalo sya sa pustahan." nakangising sabi pa ni Chynna. Tsk. Ano na naman kayang binabalak nitong babaeng 'to? "Go. Ano ba?" tanong ko. "Papakisamahan mo ng maayos si Rhian at hindi mo sya gaanong susungitan at tatarayan kahit alam natin na hindi mo sya talaga gusto. At saka dapat magsorry ka sa sinabi mo sa elevator kanina." sabi pa ni Chynna. "What? No!" ayoko nga! Magsosorry ako sa taong yon. Dun sa mayabang na yon? "Eh akala ko ba sure na sure ka na hindi si Rhian yung magiging partner mo? Bakit ka umaarte ng ganyan ngayon?" "Fine. Call." sabi ko sabay halukipkip. Ayan na naman yung nakakainis na ngiti ni Chynna. Sarap talagang batukan, promise. "Wait, anyare?" tanong ni Sheena kay Chynna . Tatawa-tawa namang ikinuwento ng bruha yung nangyari kanina sa elevator at sa may parking area. "Ayan, taklesa kasi, Cha." naiiling na sabi naman ni Katrina. "O nandito na pala si Jade eh." masayang sabi ni Direk Dom. Sasagot sana ako kay Katrina pero biglang may pumasok na message sa phone ko kaya agad ko itong binasa. Si Ate Yan pala. "Bai, pakabait ka ha. Wag mong susungitan yung Jade mo. Nagpromise ka sa akin na susuportahan mo sya at aalagaan mo yang 'baby' natin diba? Btw, goodluck sa'yo ha. And sorry kung hindi ka ganon kalakas sa management at kay Lord." Napakunot-noo naman ako sa sinabi nya. Kilala na nya kung sino yung--- "Hello everyone. I'm sorry kung na-late ako. May dinaanan pa kasi ako eh." biglang napaangat yung tingin ko nang marinig ko yung boses na yon. Oh no! At tulad kanina, nakatingin ulit sya sa akin pagtingin ko sa kanya. Nakangiti na naman sya ng nakakaloko sa akin. "Hello Althea. I am your new Jade. And I'm so excited to be your girlfriend." at ayun na naman po yung kindat nya. Nagpalipat-lipat naman yung tingin ng mga kasama namin sa aming dalawa ni Rhian habang nakangiti ng nakakaloko. So sya nga? Sya talaga yung papalit kay Ate Yanyan? Sya na talaga yung Jade ni Althea? Wala na bang bawian 'to? What the actual f*ck!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD