GLAIZA "Rhian." mahinang tawag ko sa pangalan nya. Akala ko ba nakalimutan nya? Akala ko ba may lakad sila ni Jason? "Ako nga. Bakit, ibang tao ba yung ineexpect mong dadating?" luh, bakit parang tinatarayan na naman nya ako. Sunud-sunod naman yung iling na ginawa ko. Sya lang naman talaga yung gusto kong makasama dito eh. Wala nang iba. "H-hindi lang ako makapaniwala na nandito ka ngayon. Sabi mo kasi may lakad kayo ni Jason and hindi mo naman naaalala yung sinabi ko sa'yo noon sa condo mo." kinakabahang sagot ko naman. "Tingin mo naman nagsasabi ako ng totoo kanina?" tanong pa nya sa akin. "Ha?" "I was just pretending na hindi ko natandaan yung sinabi mo. Gusto ko lang makita kung ano yung gagawin mo. I really wanted to hug you when I saw na naiiyak ka na kanina pero pinigilan ko