GLAIZA "Naks naman. Masyado mo atang dinibdib yung advice ko sa'yo Tsong ah! Ayan o, hindi na talaga kayo mapaghiwalay ni Yoyon." natatawang sabi ni Chynna sa akin nung tumayo si Rhian para gumamit saglit ng restroom. After kasi naming maglunch kanina, hindi na rin sya umalis. Sinamahan nya lang ako maghapon para daw sabay na din kami pagpunta sa bar kung saan naghihintay sila Chynna. At ayaw na din daw nya akong iwan dahil baka daw mamaya nyan, meron na naman daw biglang humatak sa akin sa kung saan. Nakasimangot pa sya habang sinasabi yon. Cute lang. Haha. "Kala ko nga mawawala na sya sa akin eh. Buti na lang hindi pa nya ako sinusukuan." nakangiting sabi ko naman kay Chynna. "So, nakapili ka na? Nasabi mo na kay Anne?" tanong pa nito sa akin. Umiling naman ako. "Hindi pa rin. Ewan