GLAIZA "Sandali lang!" Ugh! Natutulog pa yung tao eh. Sino ba yang doorbell ng doorbell na yan?! Nakakunot tuloy yung noo ko nung binuksan ko yung pinto. Istorbo eh. Minsan na nga lang ako makakatulog ng mahaba, ininterrupt pa ng kung sinong Poncio Pilato yung tulog ko. Ugh! Mas lalo namang napakunot yung noo ko nung nakilala ko kung sino yung tao sa labas. Anong ginagawa nya dito? "Good Morning Ize!" nakangiting ngunit matamlay nyang bati sa akin nung mapagbuksan ko sya ng pinto. "Anne? Anong ginagawa mo dito?" takang tanong ko sa kanya. "Gusto lang kitang bisitahin, wala naman sigurong masama diba?" sagot naman nya sa akin. "Hindi mo ba ako papapasukin sa loob?" tanong nya dahil hindi pa rin ako kumikilos hanggang ngayon. Nakatayo lang ako sa may pinto. "Ay sorry. Inaantok pa kasi