GLAIZA "Magandang umaga sa'yo magandang binibini. Pinaganda mo na naman yung araw ko." parang mas gusto ko na lang na umuwi at wag na lang magtaping pagkarinig ko ng boses na yon. Eto na naman po sya. "Oy Sef! Ako'y tigil-tigilan mo dyan sa pagpapacute mo dahil hindi ako kikiligin dyan." masungit na sabi ko pa sa kanya. Ang aga-aga kasi. Kapag ganitong hindi na naman nagreply si Rhian dun sa Good Morning ko kanina ha. Mainit talaga yung ulo ko. At dinadagdagan pa ng panghaharot ng lalaking 'to. "Ay grabe, ang aga-aga, ang sungit-sungit? Pasalamat ka talaga at crush kita ha." naiiling pero nakangiti naman nyang sabi. "Ay so utang na loob ko pa pala na crush mo ako?" sabi ko pa habang nakataas ang kilay. "Oo naman. Aba, maswerte ka dahil hindi lahat ng babae, nagiging crush ko no. Pero