IT WAS THE WEEKENDS. Evron took his wife to his parents’ house. Gustong makita ng kaniyang ina ang asawa niya. Siyempre, pagkakita ng ina kay Blythe, nakalimutan na ng ina ang sarili niyang anak. Napailing na lamang si Evron saka naglakad palapit sa ama na nagbabasa ng magazine sa may pavilion. “Dad.” Bati ni Evron sa kaniyang ama. Tumango naman si Ashriel bilang tugon. He closed the magazine he was reading and set it down. Tiningnan niya ang anak at natawa na lamang nang makita ang hitsura nito. “I could tell you are happy, but anxious at the same time,” Ashriel said. “Anak, hindi ka ba nakakatulog ng maayos?” Tumikhim si Evron saka umupo sa pabilog na sofa. His father was right. Hindi siya nakakatulog ng maayos. Pero masaya naman siya sa kabila ng wala siyang maayos na tulog. Wh

