****** "... bakit mo sya dinala dito!? Binaril mo pa sya! Di sya ang pakay natin baliw!!..." Huh ano 'yun? "... Biglang lumapit akala ko mahuhuli na tayo..." Anong ingay 'yon? Mahinang bangayan ang narinig ko sa isang closed room, mukang may nag-aaway sa labas and it seems that they are talking about me. "Sana hinayaan mo nalang at kinuha 'yung tatlong babae!!" Mukang di yata ako ang pakay nila, maybe they want those Reyes sisters dahil mukang anak ng mga elite 'yun and they're going to take them as hostage. Nagsimula akong gumalaw nang maramdaman kong may biglang masakit sa katawan ko kaya napatingin ako sa kung saan ang masakit. May sugat sa may gilid ng tyan ko, mukang tinamaan ako ng baril and it seems that one of those voices is the one who shoot me. Nagtaka naman ako kung b