****** "Hello? Is this Curse? The Haibara's daughter?" Natahimik naman ako sa tanong nya, mukang ayaw ipaalam ng caller kung sino sya dahil napaka babaw ng boses nya, parang sinet nya sa isang low voice mode or something. Tahimik lang ako at di nag salita, narinig kong nag sneer ang caller "We already know who you are, and we will find you*toot* *toot*" *RIIIIIING* Narinig kong nag ring ang ang alarm clock, hudyat na oras na para bumangon ako Pero nakapikit lang akong nakahiga at walang balak na bumangon o patayin ang alarm clock na kanina pa nag-iingay. Habang nag-iingay ang alarm biglang nawala ang tunog nito at may humawak sa ulo ko kaya minulat ko ang mata ko para makita ang taong 'yun. "Gumising ka na jan, himala di ka yata maagang nakagising" sagot ni Len. Bumangon naman ak