Chapter 7 Denise Robles's POV; "Khai wala ka talagang balak pansinin ako?"tanong ko habang nakatayo sa harap ng kama habang siya nakasandal sa headboard at parang matandang nagbabasa ng libro. "Ano ang pamilya?"out of the blue na tanong niya na kinakunot ng noo ko. "Pamilya?"ulit ko na kinaangat niya ng tingin. "Matatawag bang isang pamilya ang pamilya..kung walang tatay o nanay?"tanong niya ulit na kinatawa ko ng mahina bata pa din talaga siya. "Bakit mo ba tinatanong?"balik na tanong ko sakanya pero imbis na magsalita binaba nito ulit ang tingin sa binabasang libro. --- "Hoy!"napaangat ako ng tingin ng mahinang humampas sa table ko. "Tulala ka nanaman."komento niya bago iikot ang upuan niya paharap sakin. "May kailangan ka ba?"walang gana kong tanong bago pasimpleng tiningnan a