The Past - Part IV Isidro’s Point of View Months passed by and I have gotten really close with Carmela and David. Walang araw na hindi kami magkasama basta nasa campus lang kami. Naging isang grupo na talaga kaming tatlo, lalo na sa tuwing may event ang org namin. Kami na ang naatasang mag-asikaso ng mga solicitation dahil malaki raw ang nalilikom na pera kapag kami ang gumagawa. Ever since I made a promise to myself na seseryosohin ko ang solicitations, ginawa ko na talaga. Mas lumaki pa nga ang amount na nalilikom ko dahil mga kasamahan ni Dad sa board ang binibigyan ko ng solicitation letter. Pati na rin ang heads ng company departments na kilala ko ay binibigyan ko rin. Pero hindi ko binibigay sa org lahat ng pera. I kept some for myself dahil may sarili rin akong charity event na

