Kabanata 74 “Approved na ang visa namin ni papa mo, ‘nak,” bungad na sambit sa akin ni mama pagkarating na pagkarating ko sa bahay galing sa mall. Bumili kasi ako ng make-up at ilang essentials. Bakas sa mukha niya ang sabik at tuwa dahil sa napakalapad na ngisi sa nga labi niya. Nangingislap ang mga mata niya habang nakatingin sa akin. “Sa wakas, pwede na tayong pumunta kina tita mo,” dagdag niya pa. Napangiti na rin ako bago nagmano sa kanya. “Mabuti po, ‘ma. Magplano na tayo ng date kung kailan tayo pupunta,” sagot ko sa kanya. Matagal na kasing gusto ni mama na makasamang muli ang pamilya niya at ipakilala nang personal si papa. Although kilala na si papa ng side ni mama, pero ‘di pa talaga sila nagkakaroon ng closure. They used to blame papa for mama’s early pregnancy. They have al

