Kabanata 42 Hindi pa man sumisikat ang araw ay tumawag na sa akin si uncle. Naunahan niya pa ang alarm ko sa paggising sa akin. “Good morning,” bungad niya sa akin pagkasagot ko ng tawag. “Get up, Penny. You have a long day waiting for you,” dagdag niya pa. “I already got the fitness room ready. Ikaw na lang ang hinihintay rito.” Bakas na bakas sa tono ng boses niya ang kasabikan; walang kahit na anong bakas ng pagod at pagkapuyat kahit na alam kong late na siya natulog kagabi. Napapikit ako sabay sapo sa noo ko. I let out a soft groan dahil sobrang aga pa talaga. “For God’s sake, Isidro, ang aga-aga pa. I still have 45 minutes before my alarm sets off,” mahinang sambit ko pero bakas sa boses ko ang pagkairita. “I’m going back to sleep.” “Bumangon ka na,” pagpupumilit niya. “Or else yo

