Kabanata 49 “Did you bring a jacket with you?” tanong sa akin ni uncle nang makarating na kami sa Baguio matapos ang halos apat at kalahating oras ng biyahe. Damang-dama ko na ang lamig kahit pa nasa loob pa kami ng kotse. He even had to turn off the aircon para lang hindi kami manginig sa lamig. Nagfa-fog na rin ang salamin ng sasakyan. “I did bring a jacket with me, pero hindi ko alam kung kakayanin ba no’n ang lamig ng lugar,” sagot ko. I only brought a hoodie with me and it’s not even that thick. Considering gaano na kalamig sa lugar kahit na tanghaling tapat, I am sure mas lalamig pa ito kapag kumagat na ang dilim. “Okay, let’s get a new set of sweaters,” aniya bago ipinarada ang sasakyan. “I’ll go buy us a few pairs of sweaters. What’s your size?” tanong niya sabay bukas ng pinto.

