KABANATA 33 Matapos kong magbihis at mag-ayos ay lumabas na ako sa kwarto suot ang isang itim at simpleng above-the-knee casual dress. Pagkarating ko sa lobby ay naroon na nga si Uncle Isidro at naghihintay sa akin. Pagkakita na pagkakita niya sa akin na papalapit sa kanya ay agad na siyang tumayo. Kitang-kita ko kung paano niya ako pinasadahan ng tingin mula ulo hanggang paa. "You look good in black," malambing niyang turan at tipid na ngumiti sa akin. "T-Thank you," sagot ko at napahawak sa laylayan ng bestidang suot ko sabay yuko para itago ang mukha ko dahil dama ko ang biglaang pag-init ng magkabilang pisngi ko. Hindi ko kasi napigilan ang pagguhit ng nakakakiliting sensasyon sa aking tiyan kasabay ng pagkabog ng dibdib ko. "Let's go?" alok niya sa akin na tinanguan ko lang. Pag

