bc

Wanted For Pleasure

book_age18+
384
FOLLOW
1K
READ
possessive
arrogant
bitch
dare to love and hate
twisted
bxg
enimies to lovers
tortured
gorgeous
seductive
like
intro-logo
Blurb

HAYLEY WHITE. Tinaguriang isa sa matinik na assasin sa grupo na kinabiblangan kung saan siya lumaki. Wala siyang ibang hangad kundi ang magtagumpay at maabot ang pangarap na maging isang Air Force Army. Ngunit dahil sa kinalakhang mundo ay isinantabi muna niya ang pangarap.

Kabilang siya sa grupo ng WHITE SOCIETY kung saan inampon siya ng Isa sa mga co-founder ng assasin group na si Barron White. Pinalaki siya nito gamit ang dahas at ipinamulat sa kanya na wala siyang dapat pagkatiwalaan kundi ang sarili lamang.

Lahat ng trabaho ay nagagawa niya ng malinis at walang iniiwanang bakas at ebidensya. Pero umabot siya sa punto na parang hindi na siya masaya sa ginagawa at napapagod na sa paulit-ulit na pagpatay.

May isang hiling lamang sa kanya si Barron White bago nito ibigay sa kanya ang kalayaan na matagal na niyang hinihingi. Iyon ay ang patayin ang isang business tycon na malawak ang impluwensya at Isa sa pinakamayaman at pinaka-importanteng tao sa mundo negosyo't politika.

Ngunit sa hindi inaasahang pagkakataon ay pumalpak ang plano niyang patayin ang target. Higit pa roon ay nakilala niya si Gustavo Vallente. Isa sa mga dahilan para magising siya sa katotohanan at harapin ang totoong reyalidad ng mundo.

chap-preview
Free preview
Simula
Simula PANGAKO "Hayley nand'yan na mga pulis tara na!" sigaw sa'kin ng kaibigan kong si Rebbekah. Hindi ko siya pinansin at patuloy na kinalkal ang laman ng basurahan. Umaasang may makikita pang tirang pagkain doon galing sa sikat na restaurant. Kadalasan kasi'y dito nila itinatapon ang mga tira ng customer nilang mayayaman. Ngumiti ako nang madampot ko ang isang styro na may laman pang kalahating hita ng manok at spaghetti. Habang ang isa pang styro ay may laman ding spaghetti. Agad ko itong sinilid sa malaking plastic bag na kanina ko pa bitbit. "Hayley!" sigaw muli ni Rebbekah. Nilingon ko ang patrol na parating. Tiyak kasi na tumawag na nang pulis ang may-ari ng restaurant dahil maghapon na kami ditong nag-aabang ng mga tirang pagkain. Hindi rin kasi kami mapaalis ng guwardiya dahil kasama ko ang ay mga lalaking handa siya labanan ano mang oras. Mabilis akong tumawid ng kalsada kahit pa mabibilis ang takbo ng sasakyan. May ilang bumusina sa'kin dahil sa kapangahasan ko. "Bilib na talaga ako saiyo best friend." Inakbayan ako ni Rebekkah at sinilip ang dala kong plastic bag nang maabutan ko siya sa kabilang kalsada. "Sabi ko naman saiyo. Sisiw lang tumakas sa kanila." Ngumisi ako dito at inabot na nang tuluyan sa kanya ang plastic. "Bigyan mo si Puroy, ah!" "Oo naman, ikaw paano?" tanong niya na may pag-aalala sa tinig. Ngumiti ako at inakbayan pa ito. "Syempre meron ako!" Inilabas ko mula sa bulsa ang kalahating burger na nakuha ko rin sa basurahan. Mabilis ko iyon kinagatan at inilapit pa sa kanya. Hindi naman ito tumanggi at kumagat nang bahagya. "Hmm... Grabe ang sarap!" Tila kuminang ang mga mata niya nang malasahan ang burger. "Oh, iyo na lang..." Inabot ko dito ang burger. Lumawak ang ngiti niya sa'kin ngunit hindi niya tinanggap. "Iyo na 'yan. Maghapon ka nang naghahalukay sa basurahan at kahit saglit hindi kita nakitang nagpahinga." Kumunot ang noo ko dito. "Sobra pa nga itong dala mo para sa amin ni Puroy," aniya pa at sinilip muli ang laman ng plastic bag. Isang buntong hininga ang pinakawalan ko at nagpatuloy na lang sa paglalakad. Alam naman n'ya kung bakit ko iyon ginagawa. May sakit itong hika kaya hindi pwedeng mapagod at hindi rin pwede sa malayong takbuhan. Kahit pa sabihin kong 'wag na siyang sumama sa paghahanap ng pagkain ay mapilit pa rin ito. Anim na taon ako nang maulilang lubos. Nagkaroon kasi ng malawakang sunog sa squaters area kung saan kami nakatira. Natupok ng apoy ang barong barong namin at kasama doon ang mga magulang ko at kapatid. Swerte ngang nakaligtas ako ngunit wala naman gustong kumukop na kamag-anak sa'kin dahil gaya ng buhay namin ay isang kahig isang tuka rin ang mga ito. Kaya napagpasyahan na lang na dalhin ako sa isang bahay ampunan. Doon ko nga nakilala si Rebekkah na isa rin daw ulila sa magulang. May nagsabi na iniwan lang daw siya sa gate ng ampunan habang may iniwang sulat na nagsasabing wala na raw itong mga magulang na mag-aalaga sa kanya kaya siya pinamigay na lang sa ampunan. Sa halos dalawang taon kong pamamalagi dito ay mabilis ko siyang nakasundo at kalaunan ay naging matalik kong kaibigan. Ngunit dahil sa sadya akong makulit at malapit sa away ay parati akong napaparusahan nila sister Joan at Mother Superior na si Mother Analisa na ang madalas naming tawag ay matandang hukluban. Palagi rin ako ang takbuhan nito kapag may umaaway sa kanya na kapwa namin nasa ampunan. Kaya ang ending ay ako ang palaging napaparusahan at pinagbubuntunan ng sisi kapagtapos ng away. Kaya naisipan kong maglayas na lang at takasan ang mahigpit na pamamalakad ni Mother Superior sa ampunan. Ngunit hindi ko inaasahan na sasama si Rebekkah sa akin. "Sige na, ayoko na rin dito. Palagi nilang sinasabi na may mayaman na aampon sa'kin at aalisin ako dito pero hanggang ngayon wala pa ring gustong umampon sa sakitin na tulad ko." Maluha-luha ito habang nakatingala sa'kin mula sa mataas na bakod. Isang buntong hininga ang ginawa ko matapos kong hipan ang bangs ko. "Sige na nga. Abotin mo ang kamay ko." Ngumiti ito nang maluwang sa'kin at pilit na tumalon para abotin ang kamay ko.  "Kumapit ka nang mabuti ha, huwag kang maingay," bulong ko dito bago ko siya buong lakas na hinila paakyat ng bakod. Pero dahil may kataasan ang bakod ay humampas ang katawan niya sa pader kaya ito napasigaw.  "Hoy, sinong nand'yan?!" sigaw ni manong guard at inilawan kami ng flashlight. "Lagot..." Dahil sumigaw si manong guard ay lakas loob ko nang hinila si Rebekkah. Kahit alam kong nasaktan ito sa ginawa ko ay wala na akong pagpipilian, kesa naman mahuli kami't maparusahan. Mabilis ang takbo namin buhat nang makalabas nang ampunan. Mabuti'y hindi kami nasundan ng mga humabol sa amin. Ngunit natigilan ako nang bigla itong tumigil at humawak sa dibdib. Doon ko lang nalaman na may sakit pala itong hika at umaatake lang kapag napapagod sa pagtakbo. Mula noon ay tila resposibilidad ko na si Rebekkah at alaga kong maige dahil ano man sandali ay pwede itong atakihin at wala man lang kaming unang panlunas doon kung sakali. "Puroy, may pasalubong kami saiyo..." Masiglang wika ni Rebekkah nang makapasok kami sa isang abandonadong building kung saan kami naglulungga. Si Puroy kasi ay may sakit na polio. Dito na namin siya nakilala nang tanggapin n'ya kami sa espasyo na meron siya sa building na ito. Hindi lang kasi kami ang tao dito. Halos nasa kinse katao kaming naglulungga dito. "Salamat sa dala n'yo nagpa-init na ako ng tubig magkape na kayo," aniya matapos abotin mula kay Rebekkah ang isang styro foam na may lamang pagkain. Dumiretso naman ako sa lamesa kung saan naroon ang thermost na napulot lang namin sa dump site. Ito ang iniingatan naming yaman dahil pamatid gutom namin ang kape na nabibili lang sa halagang 12 pesos kung makakapaglimos kami sa umaga at kung tutulong sa palengke para magbuhat ng mga gulay at magtutulak ng kariton. Saka na lamang ang almusal kapag nakalaki na nang kita, minsan ay wala pa kaya napipilitan na lang kaming maghalukay sa basurahan ng mga bagong tapon na pagkain para may pamatid gutom. Halos dalawang taon na naming ginagawa ito ni Rebekkah at kabisado na namin kung saan may pagkakakitaan at kung saan tagilid kami. Ngunit hindi ako kuntento sa pamamasura dahil may pangarap ako at iyon ay maging isang AIR FORCE ARMY. Iyon kasi ang kursong hindi natapos ni Itay kaya gusto kong ako ang magtuloy ng pangarap niyang iyon. Kaya kahit mahirap ay buhay ay sinisingit ko ang pag-aaral sa sariling paraan. Huling pasko nang bumili ako ng notebook para sa sarili at inumpisahang aralin isulat ang pangalan. Tinuruan ko rin si Rebekkah na puliduhin ang pagsusulat na natutunan niya sa ampunan. Ganon pa man ay hindi 'yon naging madali dahil tampulan din kami ng tukso at madalas pang ma-bully nina Juancho. Siya ang tumatayong lider ng grupo at may pinakamalaking bahagi dito sa building. Lumingon ako sa paligid. Mukhang wala pa ang grupo nila. Kasama namin sila sa restaurant kanina at nauna rin silang kumulas nang marinig ang papalapit na patrol. Baka marahil ay may na spot-tan ang mga itong bagong pagkakakitaan. Nilapag ko sa maliit na lamesang kahoy ang ginawa kong kape para kina Puroy at Rebekkah.  "Sa susunod 'wag ka nang sasama sa akin para manguha ng pagpag ah, samahan mo na lang si Puroy na mamalimos sa pwesto natin. Lalayo ang ruta ko bukas dahil mukhang mainit na ang mga mata nila sa atin dun sa restaurant," bigkas ko kay Rebekkah. "Ayaw mo na ba akong kasama? Pabigat na ba ako saiyo masyado?" Ngumuso ito sa akin. "Mas mapapanatag ako kung alam kong nandito ka lang kasama si Puroy," sagot ko. Hindi ko na nagawang sumagot dahil nakarinig ako ng sigaw at mga boses na nagtatalo. "Putang *na mo naman Juancho, bakit hinayaan mong mahuli si Ikon?!" Napatayo ako dahil sa sigaw na iyon ni Andrew. "Hindi ko na kasalan kung tatanga-tanga siya! Walang puwang dito ang kagaya niyang mahina ang utak!" "Paano kung ikanta tayo nun? Paano kung sabihin n'ya kung saan tayo naglulungga, ha? Anong gagawin mo?!" "Tumahimik ka nga! Hindi ako makapag-isip ng maayos!" Agad na yumakap sa akin si Rebekkah dahil sa matinding takot. "Hayley, natatakot ako...."  "Hindi ka kasi nag-iisip, puro ka tira! Paano na ngayon?!" singhal muli dito ni Andrew. Sumulyap naman sa akin si Juancho. "Hal, sibat..."  Matapos kong marinig iyon mula sa kanya ay agad akong lumingon kay Puroy. Binitbit ko ang bagpack na nakahanda na sakaling dumating ang pagkakataong ito. Isinilid ko doon ang thermost namin at agad akong naupo para pasanin si Puroy. Tiyak na ano mang sandali ay may mga pupunta dito para kami dakpin. "Bekkah, wag kang lalayo sa akin, ah?" Mahigpit kong bilin dito. Sunod-sunod naman itong tumango sa'kin at kumapit nang mahigpit sa laylay ng aking damit. Alam ko na kung saan kami daraan dahil hindi pwedeng sa entrada kami lumabas. Tiyak kasi na parating na ang mga pulis base sa karipas ng takbo ng ilan naming kasamahan. "Juancho, lintek ka. Pinahamak mo kami!" Tumigil ako at lumingon sa mga bagong dating. Duguan ang mga ito maging ang ilang batang kasama namin. "Hindi mga pulis ang tinirantado n'yo kundi sindikato! Yari na tayo!" sigaw pa nito. Nanlaki ang mga mata ko sa narinig. Tiyak na wala na kaming takas kung sakaling mapasama kami sa grupo ng mga sindikato na kumukuha ng mga bata para pagkakitaan. Ang iba ay ibinebenta habang ang iba ay minomolestiya muna bago pagkakitaan. Ayokong mangyari iyon sa amin nina Rebekkah at Puroy. Hindi ko na hinintay pang magtalo sila dahil tumakbo na kami patungo sa lihim na daan kung saan pwede na kaming lumabas ng siyudad. Ngunit hindi pa kami nakakalayo nang makarinig kami ng sunod-sunod na putok ng baril. Narinig ko na ang sigaw ng mga batang tiyak na kinuha ng mga sindikato at ang pumalag ay tiyak na papatayin. "Haaah!" Napasigaw si Rebekkah sa tabi ko dahil sa takot.   "Ssshh... Huwag kang maingay." Lumiko ako sa isang eskinita at sandaling nakirammdam ng lagay sa paligid. Tanging pagpatak ng ulan lang ang naririnig ko sa pligid. Ngunit naramdaman ko ang pag ungol ni Puroy. "Hal, may tama ako..." Agad na naparalisa ang buo kong katawan sa narinig. Naupo ako para ibaba ito sandali. Dahil madilim ay hindi ko makita kung saan ang tama n'ya. "Puroy, dadalhin kita sa ospital..." Nanginginig ang boses ko nang magsalita sa kanya. "Ano nang gagawin natin ngayon, Hayley?!" Natataranta na si Rebekkah. Tiyak na ano man sandali ay aatakihin na ito ng hika. "Bekkah, huminahon ka. Gusto kong huminga ka nang malalim, ha?" Hinawakan ko ang dalawang balikat n'ya na siya naman nitong agad na ginawa. "Hal, giniginaw.... ako," sambit ni Puroy. Muli kong kinapa kung saan bahagi siya ng katawan tinamaan at laking gulat ko nang makapa ang basang dugo sa kaniyang tagiliran. Kinagat ko nang mariin ang labi ko at muli itong binuhat. Hinanda ko na ang sarili sa pagtakbo ngunit sinulyapan ko si Rebekkah na malalim na ang paghinga. "Kaya mo pabang tumakbo?" Umiling ito na hawak ang dibdib. "Hay... Leee!" Natataranta na ako at hindi alam ang gagawin. Hindi ko sila pwedeng bitbitin na dalawa. Maliit lang ang katawan ko kaya tiyak na mahuhuli nila kami kapag nagkataon. Higit pa roon ay baka hindi ko na madala pa ng buhay si Puroy sa ospital. Sumuot ako sa isang tagong butas isa iyong eskinita na hindi mo makikita kung di ka liliko sa bandang pinasukan ko kanina. "Bekkah, dito ka muna. Kailangan ko lang dalhin si Puroy sa ospital." "Ha? Hindi, sasama ako saiyo.... Kaya ko pang maglakad," hinihingal niyang bigkas. Mariin akong pumikit at tinatagan ang loob. Kung isasama ko pa siya ay baka maubosan lang ito ng hangin sa dibdib at mas lalong dumoble ang problema namin. "Babalikan kita, pangako. Basta huwag kang aalis dito."  Umagos na ang mga luha nito. Kumapit nang mariin sa laylayan ng aking damit. Mas matanda ito sa akin nang isang taon pero mas tinuturing niya akong nakakatanda sa kanya at palaging nag-aalaga. Masakit para sa akin na iwan siya. Magkasanggang dikit kami, kulang ang isang kung mawawala ang isa. Pero iniisip ko si Puroy maraming dugo na ang nawala sa kanya. Ano mang sandali ay baka bawian na ito ng buhay kung hindi ko pa siya dadalhin sa ospital. "Basta kahit na anong mangyari. Huwag kang aalis dito. Babalikan kita pangako..." Hindi ko na hinintay na makapagsalita ito dahil tumakbo na ako palabas ng eskinita. Basa na ng luha ang mga mata ko dahil sa mabigat na desisyon. Narinig ko pa ang sigaw nitong tinatawag ang pangalan ko. "Pangako, Rebekkah babalik ako..."

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

PLEASURE (R—**8)

read
57.6K
bc

Behind The Billionaire's Contract

read
25.3K
bc

The Cold-hearted Beast -SPG-

read
41.9K
bc

The Young Master's Obsession (SPG)

read
74.3K
bc

MAKE ME PREGNANT (TAGALOG R18+ STORY)

read
1.9M
bc

The Billionaire's Bed Warmer ✔

read
91.5K
bc

My Serbidora owns me. George Zoran Zither

read
29.5K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook