Kabanata 17 "Joanna, anak ano bang nangyayari sayo? Ayaw mong lumabas ng bahay, halos hindi ka na kumakain at dito ka nalang palagi sa kwarto mo. Wala ka din'g ibang ginawa kundi umiyak at magmukmok. Anak..." Hinawakan ni Mommy yong mga kamay ko. "Ano bang nangyari sayo sa Baguio? Simula ng makauwi ka galing don nagkaganyan ka na?" Tanong pa niya sakin. Hindi naman na ako nag-abalang sumagot. Wala ako sa mood. Wala akong gustong kausapin at ang tanging gustong gawin ko lang ay umiyak nalang ng umiyak. Tatlong buwan... tatlong buwan ko ng hindi nakikita si Justin at sa araw-araw na nagigising pa ako mula sa pagtulog, ms lalo akong naghihina sa paglipas ng araw ng hindi nakikita si Justin. Talagang napabayaan ko na yong sarili ko, kung sexy ako noon ngayon naman ay mukha na akong buto't-b