Kabanata 12 "Babe kailangan ba talaga meron pa 'tong piring-piring na 'to?" Tanong ko kay Justin. Kanina pa kasi talaga ako hindi comportable. Simula ba naman nung magviahe kami sa lugar na hindi ko alam kung saan kami papunta eh, pinasuot na niya sakin 'tong piring at feeling ko tapos na yong foever pero hindi pa din kami nakakarating sa pupuntahan namin. "Just for a while Baby, malapit na tayo." Sagot naman niya sakin. Nagkanda haba-haba naman yong nguso ko kasi gusto ko na talagang alisin yong blindfold. "Joanna, Baby, please stope pouting baka hindi ako makapagpigil at ihinto ko 'tong kotse para lang mahalikan ka." "Tagal-tagal naman kasi nating makarating." Pabebeng sagot ko naman sa kanya tumawa lang ang mokong at hindi na ako pinansin hanggang sa maramdaman ko yong paghinto ng k