"Totoo ba ang sinabi ni Tito Aero?" tanong ko sa kanya habang pabalik kami sa inuupahan nila ng araw na iyon. Hindi pa rin ako makapaniwala sa nagawa sa akin ni Papa at gusto kong malaman kung ano ang kanyang dahilan. Sigurado akong may dahilan siya para gawin iyon. "Oo, iyon ang katotohanan na gusto naming malaman mo," sagot niya sa akin at nanahimik na ako. Hindi na rin naman siya nagsalita ng mga sandaling iyon. Pagdating namin sa bahay nagtipon - tipon sila sa sala at nakahanda na rin ang mga gamit nila. Pagkakita ko kay Tito Aero ay mahigpit ko siyang niyakap. Naramdaman ko ang gulat niya sa ginawa ko at nang humiwalay ako sa pagkakayakap sa kanya, kita ko pa rin ang gulat niya. "Maraming salamat," sambit ko sa kanya at iyon ang unang pagkakataon na nakita kong naging malambot s