Habang naghihintay matapos ang pag-iimbestiga, nakatanggap ako ng isang mensahe at sinasabing alam niya kung nasaan ang grupong The Serpents. "Lito," tawag ko sa aking kasama at pinakita ang mensaheng ito. Nagkatitigan kami at tila hindi makapaniwalang nakatanggap na naman ako ng ganitong mensahe. "Siguraduhin muna natin kung totoo ba ang detalyeng iyan," sagot niya sa akin at pinasa ko ang numero pati ang address kay Ishmael para malaman kung saan ang lokasyon nito. Ningangatngat ko ang aking mga kuko habang naghihintay sa resulta ng biglang tumunog ang aking cellphone. Tawag galing kay Ishmael iyo. "Anong nahanap mo?" tanong ko. Pinindot ko ang loud speaker button para marinig rin ni Lito ang kanyang sagot. "Hindi na mahanap dahil isang burner phone ang ginamit ng taong ito," s