Paggising ko ng umagang iyon, nakahanda na agad ang almusal at ang susuotin kong uniporme dahil dalawang importanteng lalaki sa buhay ko ang nag-asikaso para sa akin. Pakiramdam ko ay para akong isang reyna dahil sa ginawa nilang dalawa. Nagkasundo sila para sa akin. Habang kumakain kaming tatlo ay may kumtok at nagpakilalang si Ishmael ito. Ako na ang humarap kay Ishmael dahil alam kong ako ang hinahanap nito. Sinabihan ko na muna si Papa na maghanda na siya dahil aalis na kami. Nagbuksan ko ang pinto, isang masiglang binata ang humarap sa akin at nakangiti ng makita ako. Ngumiti na rin ako sa kanya at agad ko siyang pinatuloy sa loob. "Kumain ka na ba, Ishmael?" tanong ko sa kanya at tumango naman siya sa akin. Pinaupo ko na muna siya sa sofa at kahit tinanggihan niya ako ay pinagk