Chapter 2 (Warning, SPG)

217 Words
"Sinong kausap mo kagabi?" tanong ko kay Genro habang hinahanda ko ang magiging almusal niya. Hinandaan ko siya nbga almusal para maging baon dahil malayo ang magiging byahe nila. Madali pa naman magutom ang lalaking ito. "Sinong kausap? Sila Spiel at iba pang pulis ang kausap ko saka ilang mga bisita," matabang niyang sagot sa akin at parang may tinatago talaga siya. Maaga ko siyang ginising kaya naman may oras pa siya para magbasa ng dyaryo at umiinom ng kape. Hindi na ako kumibo at nilapag sa lamesa ang baon niya tapos ay nagtungo na ako sa kwarto para ayusin naman ang kanyang isusuot. Kahit nakahanda na ito, hinanda ko pa rin at nilapag sa kama. Nang lumabas ako matapos gawin iyon, nagtungo naman ako sa kusina, kumain na rin ako tapos ay linisin ang mga pinagkainan at pinaglutuan ko ng pagkain niya. Umiinom na ako ng kape nang lumabas si Genro sa cr at nagtungo na sa kwarto para magbihis. Amoy na amoy ko ang halimuyak ng katawan niya ng sandaling iyon. Pinagpatuloy ko na lang ang pagbabasa ng dyaryo at naghahanap ng mga panibagong kaso. Puro tungkol sa mga artista at tsismis tapos ay kaunti lang ang naging balita tungkol sa mga krimen ang nakasulat sa dyaryo na iyon kaya nawawalan ako ng gana magbasa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD