MAAGANG nagising si Ericka upang pumasok sa trabaho. Namamaga pa ang kanyang mga mata dahil sa magdamag siyang umiyak. Pagkatapos kasi niyang ipagtapat ang lahat sa pamilya niya. Unti-unti naman siyang nawalan ng lakas ng loob para lumaban pa, bagama't nararamdaman naman niya ang suporta at pagtanggap sa kanya ng mga ito ay nakakaramdam pa rin siya ng depression. Bumabagabang kasi sa kanya na baka may sakit na rin siya tulad ni Lino. Nagulat siya nang makita niya ang kanyang Nanay na nakaupo sa tapat ng lamesa at nagkakape. Nang makita siya nito ay nginitian siya. "Maaga kang papasok sa trabaho?" tanong niya. Tumango siya rito pagkatapos at dumiretso sa kusina upang magtimpla ng kape. "Kailan ka magpapa-check up?"tanong nito sa kanya. "Hindi ko pa po alam, Nay." sagot niya. Bitbit ni