EKSAKTONG ala-singko ng umaga nang magsing si Ericka. Antok na antok pa siya ngunit kailangan niyang bumangon upang makauwi. Pinagmasdan niya si Alexandra. Ang himbing ng tulog nito. Hindi man lang narinig ang tunog ng alarm niya. Bumangon siya upang maligo. May baon siyang damit dahil ang plano nilang dalawa ni Alexandra ay mamayang gabi pa ang uwi nila ngunit dahil sa narinig ni Ericka kagabi napa-aga ang uwi niya. Paglabas niya ang silid ni Alexandra. Nakita niya ang Mama ni Alexandra na nagwawalis ng bakuran nila. "Good morning po," bati niya rito. Huminto ito sa pagwawalis at lumapit ang Nanay ni Alexandra. "Uuwi ka na?" tanong nito. Tumango siya at ngumiti. "Opo, may pasok pa kasi ako mamayang alas-diyes ng umaga," pagsisinungaling niya. Ang totoo kasi ay wala siyang pasok ngayon