MASYADONG exaggerated itong si Matteo, talagang pinag-stay siya ng isang araw sa Gonzalgo VIP Private Hospital. Malinaw niyang nabasa na ang inakyatan nilang floor ay naka pangalan sa pamilya Montemayor. Simpleng lagnat lang naman ang sakit niya. At kaya nanghihina siya dahil laging kulang sa tulog at masyadong na-stress. Ngayon heto at hinihintay niya si Matteo. Lumabas ng VIP room upang kunin ang release paper. Kasalukuyan nakaupo ng maslide siya sa mahabang sofa ng may pumasok na nurse. Hindi niya ito pinapansin baka may kukunin lang. Ngunit napalingon siya ng madama ang pag atake nito sa kanya. Bumagsak siya sa carpet, bigla ang realization sa mga sinasabi sa kanya ni Matteo. Ilang araw ang nakalipas at habang nakatingin siya sa hiringgilya. Pumasok agad sa isipan ang kamatayan. S