HINDI pumayag si Matteo na hindi siya kasama sa loob ng delivery room. Lalo pa at cesarian ang asawa. Hindi niya mapigilan ang sobrang pag-alaala dito. Kaya kahit bawal siya sa delivery room ay hindi napigilan. Mas gusto niya habag isa-isang nilalabas ang mga anak ay naroon siya. “Dra. Gonzales, kailangan ba tulog ang asawa ko?” tanong pa niya kay Doktora. Kahit sabihin pang makulit siya ang nais lang ay masiguro na ligtas ang kanyang mag-ina. “Depende kung kakayanin niyang hindi makatulog. May mga cases na gising habang nilalabas ang bata sa kanyang tiyan.” “I see.” bago yumuko at hinalikan ang noo ni Roseanne. Maya’t maya din ay minamasahe ni Matteo ang braso ang asawa. “Let’s proceed.” narinig niya ang pahayag ni Doktora. Kaya hinanda na si Matteo ang kanyang cellphone. Bawat ekse