NASA harapan ni Matteo si Roseanne, ngunit tila lampasan ang tingin niya dito. Hindi pa rin makapaniwala sa nakikita. Paulit-ulit na sinusulyapan ang nakatayo na babae. Kahit ang saan angulo ay hindi ito ang kanyang si Roseanne Angelica. Pero ang pakiramdam niya ay walang nagbago sa presensya nito. “Hindi ako naririto para sa ano pa mang bagay. Ang nais ko lang malaman kung totoong may kakambal ka? Sino sa inyo ang pumatay sa anak ko?” “A-Ako ang pumatay sa ating anak, kaya sa akin ka magalit. Walang kinalaman ang kakambal ko sa mga nangyari sa ating dalawa.” “I see, tama lang pala na hindi kita patawarin.” may pakiramdam si Roseanne na hindi lahat ng sinasabi ni Matteo ay totoo. Ganun pa man wala rin naman siyang pakialam sa lalaking ito. Isa pa nangyari na ang lahat at hindi na mai