SA takot na makulong ni Janeth ay sinonod na lang niya ang bawat naisin ng kanyang asawa. Pinirmahan ang annulment papers. Hinubad ang tatlong singsing, dalawa doon ay bigay mismo ni Alvaro at ang isa ay wedding ring nila. Ang bigat ng bawat hakbang niya habang dala ang bag na naglalaman ng ilang pirasong lumang damit. Wala siyang dinala na binili ni Alvaro baka makahalata ang asawa sigurado bugbog na naman siya kay Ashyanna. Nagmamadaling sumakay ng taxi sinabi niyang ihatid siya sa ospital. Pero napag-isip-isip niya na hindi dapat. Sigurado makikita siya ng kanyang asawa doon. Kanina ng makatanggap siya ng tawag na naaksidente si Ashyanna nais niya itong makita. Makikiusap siya na bigyan ng pera para sa kanyang anak. === 18 HOURS AGO. “Bakit bigla kang lumitaw ng hindi ko alam? ‘Di