BINARIL ni Mattias sa paa ang dating driver bodyguard ni Roseanne na si Louie. At si Atty. Lagdameo ay malakas na sinuntok ni Matteo. “Pinagkatiwalaan kayong dalawa yon naman pala kayo ang nasa likod kaguluhan!” galit na galit si Matteo at gusto na niyang barilin si Attorney. “Huwag mo ng pag aksayahan ng energy si Attorney. Ang SA Agencia na ang bahala sa kanya. Tumawag na ako kay Uncle Josh, tungkol dito at matagal na rin pala nilang suspect ang taong yan.” ani pa ni Mattias. “Hanggang hindi ko nakikita na patay ang dalawang yan hindi ako matatahimik ng ganun lang!” “Parating na ang SA kaya hintayin na lang natin. At ikaw Attorney Manuelito Lagdameo, siguradong mabubulok ka sa kulungan. Sa dami ng pinike mong mga dokumento at pinatay na tao. Hindi ko maimagine kung bakit mo ginawa an