LALAPITAN sana ni Roseanne si Matteo upang ipaalam dito na lalabas siya. Ngunit narinig na may kausap ito sa phone. Gusto niyang senyasan kaya lang ay tumalikod sa banda niya. Hindi lang yon hininaan ang boses sa ginagawang pakikipag-usap. Tumaas na lang ang kilay ni Roseanne bago tinalikuran si Matteo. Napaisip din siya bakit pa kailangan magpaalam sa lalaking ito? Ano ba ang meron sa kanilang dalawa upang hingin ang permission nito? Tanging bodybag ang kanyang dala, cellphone at wallet lang ang laman. Paglabas ng bahay ay sinuot nag dark eye glasses. Pagkatapos naglalakad patungo sa sakayan ng taxi. Paki-hatid mo ako sa pinaka magandang pasyalan dito.” nakangiting saad niya sa taxi driver. “Sige po, Ma’am Beautiful.” “Bolero ka kuya.” wika niya na bahagyang nakangiti. “Totoo po,