NAKATANAW lang si Roseanne sa bisita. Kahit iilan lang sa mga naroroon ang kilala niya. Bawat bumabati sa kanya ay nakangiti siyang nagpapasalamat. “Kumusta naman ang buhay mo sa piling ng kapatid ko?” bahagya lang lumingon si Roseanne ng marinig ang boses ni Misha. “Kung ano ang nakikita mo yon ang sagot sa tanong mo.” “Talaga? Hindi ba parang libro na maganda lang ang cover. Pero kapag binasa mo ay hindi naman pala maganda ang laman ng kwento?” “Nasa iyo na yon, magkakaiba naman ang tao. Meron mababaw lang ang kaligayahan. At may mga taong ang hirap pasayahin.” “Alin ako sa dalawang kategorya na sinasabi mo?” “Bakit mo tinatanong sa akin samantalang alam mo sa iyong sarili kung alin ka doon?” humakbang si Roseanne, binaybay niya ang pasilyo. At masasabi niyang perpekto ang pagkak