Signed to Die, Bride on the Run 37: Pag-uwi at Paghihiganti

2015 Words

Rhodora "She's pregnant." Parang humintong bigla ang aking paghinga sa narinig kong sinabing 'yon ng doctor na sumuri sa akin. Kumabog ng malakas ang dibdib ko dahil sa gulat at kabang naramdaman ko. Unang pumasok sa isip ko ay ang pamilya ko, lalong-lalo na ang mga magulang ko. Kung paano ko ito sasabihin sa kanila. Siguradong magagalit sila, lalo't sinusunod ng pamilya namin ang nakalakihang tradisyon na kasal muna bago magpagalaw. Bukod pa doon, katatapos lang ng naging relasyon namin ni Marcel mahigit dalawang buwan na ang nakalilipas. Ano'ng gagawin ko ngayon? "R-Really? May baby na talaga?" tanong pa ni Skyler sa doctor na tila hindi rin makapaniwala. Nasa tabi ko siya at hawak ang kamay ko. "Yes, Iho," nakangiting sagot ng doctor. Napangiti din si Tita Empress sa tabi nito.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD