Empress Nakita kong inalis niya ang isa sa mga close-up picture ko kasabay nang paghugot niya sa wallet niya sa coat niya. Agad na akong lumapit sa kanya. "Ano'ng ginagawa mo?" tanong ko sa kanya. Napalingon naman siya sa akin at agad na ngumiti. "I just think your photo deserves a better place than stuck on a fridge." Binuksan niya ang wallet niya at isiniksik sa loob niyon ang picture ko. "It belongs somewhere close. Somewhere I can see it every day." Natawa akong bigla at napailing. Ibinalik na niya ang wallet niya sa bulsa niya. "Now it's in VIP storage." Muli akong natawa. He continued scanning the photos on the fridge. Ipinagpapasalamat kong wala akong picture dyan noong nag-college ako, training ko sa Baguio at sa kung ano'ng trabaho mayroon ako ngayon. Just a few childhoo