Empress "Okay lang kayo?" Agad kong nilapitan ang dalawang babaeng kamuntik na namang matangay ng mga sindikato. Si Silver ay nakikipag-usap ngayon sa mga pulis na dumating habang ang walong lalaking bugbog-sarado ay nadakip na nila at isa-isa nang isinasakay ngayon sa mobile patrol. "O-Opo, ayos lang po," sagot ng isa sa mga babae, na nanginginig pa rin hanggang ngayon. Lumapit na rin sa kanila ang mga pulis. "Kailangan niyo pa ring sumama sa presinto para makapagbigay ng pahayag. Nasa inyo na kung gusto ninyong magsampa ng kaso." The two women exchanged glances, clearly hesitant, but the fear in their eyes was now mixed with a longing for justice. In the end, they nodded. "A-Ayos lang po. Sasama kami," one of them said softly but with determination. Agad na rin silang isinakay