Empress "H-Hindi... N-Nakita ko lang paalis ka kaya sumama ako. Eh, baka hindi mo ako payagan kaya nagtago na lang ako dito," pagdadahilan ko. Ngumuso ako habang nakatitig sa kanya. Hindi kaagad siya sumagot. Nakapamaywang siya sa harapan ko at nakatitig sa akin. Pinaningkitan niya ako ng mga mata. Parang hindi siya kumbinsido sa sinabi ko. "Gusto lang kitang kasama," ani ko sa kanya. "Ayaw mo ba? Sige, uuwi na lang ako." Agad na akong bumaba ng kotse at tangka na sanang aalis, pero agad bumalot sa baywang ko ang braso niya at kinabig ako palapit sa kanya. Kamuntik pa akong masubsob sa dibdib niya! Napahawak ako dito at napatingala sa kanya. Nag-init ang mukha ko. Iba pa rin talaga ang pakiramdam sa tuwing nagkakadikit ang mga katawan naming dalawa. "Why did you leave so suddenly las