CHAPTER 14: Between Blood and Business/Warning!

1738 Words
THIRD PERSON POV "Hmmp!" Agad nagpumiglas si Hescikaye. Tinangka siya nitong itulak pero mabilis iginapos ni Shield ang mga kamay nito at dinala sa likuran bago niya hinawakan ang dibdib nito. Nadama niya ang lambot ng dalaga, pero pinakawalan din at ang laylayan naman ng dress nito ang hinila niya paitaas. Patuloy niya itong sinisiil ng halik sa mga labi. Marahas at mariin kahit pa pilit ding iniikom ni Hescikaye ang mga labi niya. "Uhm—help!!!" pero nakasigaw ito nang gumapang ang mga halik niya sa panga nito patungo sa leeg kasabay nang pagbuhat niya sa dalaga at pagsandal sa pader. Muli niyang nilamukos ng halik ang mga labi nito kasabay nang pagbaba ng isa niyang kamay sa maselang bahagi nito at marahas na hinaklit ang panty nito dahilan upang ito ay masira. "Uhmm!!" Patuloy naman ang tangkang panlalaban ni Hescikaye kahit wala itong magawa sa lakas niya. Gusto nitong sumigaw ngunit idiniin niya ng husto ang ulo nito sa pader. Tanging malakas na ungol lang na nababahiran ng galit at paghingi ng tulong ang nagagawa nito. Ngunit hindi pa nagtatagal ay bigla na lamang sumambulat ang pinto at humagis ito sa katapat nitong cubicle. Bumungad si Aegia, na bukod sa isang undercover agent na kasamahan ni Empress sa organization, best friend din ito ni Hescikaye. At ngayon ay para itong isang bulkan na sasabog dahil sa tindi ng galit na bumabalot sa katauhan nito. Agad napalingon sa kanya at sa nawasak na pinto sila Hescikaye at Shield. "Aegia!! Help me!!" malakas at puno nang pagmamakaawang sigaw ni Hescikaye sa kaibigan. Mabilis na sumugod sa kanila si Aegia. Nabitawan naman ni Shield si Hescikaye at hinarap si Aegia, ngunit hindi inaasahan ni Shield ang mga mabibilis at malalakas na suntok na sumalubong sa kanya at tumama sa mukha, ulo, at panga niya. Nahilo si Shield at nawalan ng balanse. Ilang beses niyang ipinilig ang ulo niya. Sa una'y parang namanhid ang buong ulo at mukha niya. Naramdaman din niya ang munting kirot at pag-agos ng dugo sa gilid ng labi niya. "Leave, Kaye. I can handle this f*****g asshole," matigas at puno ng galit na turan ni Aegia sa kaibigan. Nag-alinlangan naman si Hescikaye at nakaramdam ng pag-aalala sa kaibigan. "P-Pero—Aegia!" napasigaw itong muli nang sumugod naman si Shield kay Aegia at undayan din ito ng suntok, pero naging alerto si Aegia at kaagad nakailag. Mabilis ding gumanti si Aegia ng suntok at tinamaan nitong muli sa panga si Shield. Dahil alagad ng batas si Aegia, bihasa ito sa pakikipaglaban at hindi matitinag sa ganitong klase ng sitwasyon. Ilang beses pa nitong binigyan ng malalakas na suntok si Shield sa dibdib. Umikot at isang malakas na flying kick naman sa mukha ni Shield ang tumama dahilan upang tuluyan na siyang bumagsak at bumalandra sa pader. "Ugh! f**k!" mahinang mura niya at halos hindi na siya makagalaw. Nanlupaypay siyang bigla. Agad din siyang tinalikuran ni Aegia at hinawakan ng mahigpit ang braso ni Hescikaye. "You need to get out of here." Kinaladkad niya ito palabas ng pinto. "H-Ha? W-What do you mean?" nanginginig namang tanong ni Hescikaye. Halos hindi na maidilat ni Shield ang mga mata niya, ngunit nakikita pa niya ang mga ito habang palabas ng pinto. "Nanganganib na ang buhay mo dito kaya kailangan mo nang makaalis," dinig pa niyang turan ng lalaking gumulpi sa kanya. Pero tuluyan na rin ang mga itong naglaho sa paningin niya at naiwan siyang mag-isa sa loob ng banyo. "H-Hindi kita maintindihan." "Hindi basta-basta ang mga taong 'yan. Believe me, delikado na ang buhay mo ngayon." Huling narinig niya bago tuluyan ang mga itong nakaalis, at siya nama'y nawalan ng ulirat. Pero hindi pa nagtatagal ay nagising siyang muli mula sa mga tinig ng mga lalaki at malalakas na mga brasong umaalalay sa kanya. "Sir, ayos lang po ba kayo?" "Sino pong gumawa nito sa inyo?" Dinig niya ang sunod-sunod na tanong ng mga ito, pero parang nag-e-echo sila sa sobrang hilo. Unti-unti siyang dumilat at bumungad sa kanya ang mga lalaking naka-itim na jacket at may mga radyo sa mga balikat—mga tauhan nila at ng mga Villaroel. Itinayo siya ng mga ito at inalalayang maglakad patungo sa nawasak na pinto. Pero biglang bumungad dito ang kanyang mga magulang at si Kennedy Villaroel. Bumadha ang gulat sa kanilang mga anyo. "What the hell happened?!" tila 'di makapaniwalang tanong ni Serafin. Napatakip naman sa bibig ang ina niyang si Magdalene. "Shield anak! Ano'ng nangyari? Sino'ng gumawa niyan sa 'yo?!" Hindi nito malaman kung paano hahawakan ang anak, na puno ng pasa ang mukha, maging ang isa nitong mata. Tumutulo rin ang mga dugo nito sa labi at ilong. Hindi agad nakasagot si Shield. "Hanapin niyo ang gumawa nito?!" sigaw ni Kennedy sa mga tauhan niya, na agad din namang nagsikilos. "Sa labas na, dalhin sa labas," utos naman ni Serafin sa mga guard. Inalalayan muli ng mga guard si Shield palabas ng restroom. "Selenah, halika dito!" sigaw naman ni Magdalene sa bunso nitong anak, na natanaw na palabas ng restaurant. Agad ding sumalubong sa kanila si Selenah. "Ano pong nangyari?! Kuya!" Lumarawan din ang matinding gulat at pagkalito sa mukha nito. "H-Hesci-kaye. s**t," mahina at nahihirapang sagot ni Shield sa kanila. Agad namilog ang mga mata ni Kennedy sa narinig. "Si Hescikaye ang gumawa niyan sa iyo?!" Lumarawan bigla ang matinding galit sa anyo nito. "Hazel!" tawag nito sa asawa. Nangibabaw bigla ang boses nito sa buong paligid. Nagmadali itong bumalik sa mesa nila at nilingon din ang buong paligid, ngunit hindi na nito nakita pa ang asawa. Si Shield ay dahan-dahang iniupo sa isang sofa ng mga guwardya. Bagsak ang buong katawan nito at ulo sa sandalan. "S-Sir, m-may humila po sa kanyang lalaki. K-Kinidnap po siya," turan naman ni Selenah. "Kinidnap?!" halos magkasabay na sigaw ni Serafin at Kennedy. "Ahm... o-opo. Doon po dinala, eh. Dumaan pa nga sa harapan ni Ski—asan na 'yun?" Lumingon si Selenah sa labas ng restaurant, ngunit wala na siyang nadatnan doon na tao. Nagmadali itong nagtungo doon. "Selenah, saan ka pupunta?!" sigaw ni Magdalene sa anak. "Find them!" matigas na utos naman ni Kennedy sa mga tauhan nila, na agad ding nagsikilos. Naupo si Magdalene sa tabi ni Shield. "Ano bang nangyari anak? Sinong gumawa nito sa 'yo?" Hindi na nito napigilang umiyak. Agad namang bumalik ang isa sa mga tauhan na may dala nang first aid kit. "I-I was just trying to talk to Hescikaye ... calmly ... j-just to get to know her better," hirap namang sagot ni Shield. "T-Then... out of nowhere... s-some guys came in and ... started beating me up ... in the restroom..." "Marami sila?!" tila 'di makapaniwalang tanong ni Magdalene sa anak. Napayuko na lamang si Shield upang hindi mahuli ng ina niya ang pagsisinungaling niya. "Y-Yeah." "Do you remember their faces?" tanong naman ng kanyang ama. "N-No... I was too shocked... I didn't even have the chance ... to fight back... There were just too many of them." Napabuntong-hininga ng malalim si Kennedy, at tila hindi malaman kung paano haharap sa pamilya ng mga Montgomery. "Apologies for the incident, Mr. Montgomery. Rest assured, CCTV covers the hallway outside the restroom. We'll know exactly who attacked Shield," anito sa kanila, na siyang nagpahinto naman kay Shield. "C-CCTV?" tanong niya habang nakatitig kay Kennedy. Lihim siyang napamura dahil hindi niya 'yon naisip kaagad, at nakapagsinungaling na siya. "Yeah, that's why we'll catch whoever did this to you," sagot ni Kennedy. Natahimik na si Shield dahil hindi na niya malaman pa kung anong isasagot sa kanila. Ramdam niya ang matinding inis sa dibdib. Si Magdalene na ang gumamot sa tinamong mga pasa at sugat ng anak. Dumating naman ang ilan sa mga tauhan ng mga Villaroel at Montgomery. "Sir, hindi na po namin sila nakita. Hinalughog na namin ang buong paligid. Para silang naglaho na parang bula," turan ng isa sa mga tauhan ni Kennedy. “Even Hazel?!” sigaw naman ni Kennedy, bakas ang pag-aalala at galit sa kanyang mukha. "Yes, Sir. Kino-compile na po namin ‘yung last hour na footage.” Napakuyom ng mahigpit ang mga kamao ni Kennedy. Mas lalo pang nanlisik ang mga mata nito. “Seems your security's been breached, and no one caught it,” turan ni Serafin. Nagtagis ang bagang ni Kennedy. “No. I don’t believe someone managed to get in here just to abduct them… This is an embarrassment!” Huminga ito ng malalim. Makikita ang panginginig ng katawan nito. “Please accept my apologies for what happened. May mananagot sa nangyaring ito kay Shield at sisiguraduhin ko 'yan." Huminga rin ng malalim si Serafin. “Let’s talk about this some other time, Kennedy. Just keep us updated once you find your wife and daughter. And if not … we’ll step in to help.” Nanatiling tahimik si Shield pero nakikinig sa usapan nila. Unti-unti nang namumula at nangingitim ang mga pasa sa kanyang mukha, habang ang kirot ay lalo pang tumitindi sa panga at pisngi niya. Tahimik na pinupunasan ni Magdalene ang gilid ng kanyang namumulang labi gamit ang basang tela. Nanginginig ang mga kamay nito, at bakas sa mga mata ang labis na pag-aalala. “My poor boy…” bulong nito, na halos hindi na marinig. Muling bumalik sa isipan ni Shield ang lalaking bumugbog sa kanya. Hindi malaki ang katawan nito, at nasisiguro niyang mas matangkad siya. Hindi niya matanggap na nakaya siya ng taong 'yon. Kakaiba ang bilis ng kilos nito, pati na rin ang lakas. Parang sanay na sanay. Marahil ay ang lalaking 'yon ang dahilan kung bakit ayaw ni Hescikaye magpakasal sa kanya. At nakita ng lalaking 'yon kung paano niya kamuntik nang mahalay ang dalaga, bagama't wala talaga 'yon sa plano niya. Ang gusto niya lang ay takutin si Hescikaye. At hindi niya masisisi ang nobyo nito, kung ganun na lang ang galit nito sa kanya. Napatitig siya sa kanyang ina na patuloy siyang ginagamot. Patuloy itong umiiyak. Dito niya masusubukan kung ano nga ba ang mas mahalaga para sa kanyang ina, siyang anak ... o ang negosyo ng mga Villaroel. Umaasa siyang magigising na ito sa mga kahibangan dahil sa nangyari sa kanya. Nang matapos ay agad na ring nagpaalam ang pamilya nila kay Kennedy. Inihatid naman sila nito kasama ang mga tauhan hanggang sa helipad. Paulit-ulit pa rin ang paghingi ng pasensiya ni Kennedy sa mga Montgomery hanggang sa tuluyan na silang makaalis.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD