Rhodora Maliwanag na ang buong paligid nang magising ako. Agad kong nilingon ang tabi ko, pero hindi ko na nakita pa si Skyler. Napabangon na rin ako nang maalala kong ngayong araw na ako babalik sa amin. Inayos ko na ang kumot at mga unan. Napalingon naman akong bigla sa pinto nang bumukas ito. Bumungad doon si Skyler, na may napakagandang ngiti nang makita ako. "Gising ka na pala. Good morning," bati niya. "Good morning din," nahihiya kong tugon. Lumapit siya sa akin dito sa kama. "Kumusta ang tulog? Nakatulog ka ba ng maayos kagabi?" "Hmm," nakangiti kong tugon. "Hindi ka ba nanibago na may katabi ka? At nakayakap pa?" Sumilay ang mapanuksong ngiti sa mga labi niya. Napakagat-labi naman ako sa hiyang naramdaman ko. "Ahm, ang totoo ... h-hindi kaagad ako nakatulog. Hindi ako sa