Empress Tuloy-tuloy na akong hinila ni Shield patungo sa helipad kung saan naghihintay na sa amin ang chopper. Naroroon na rin sina Skipper at Selenah, pero napansin kong wala sina Allen at Luiz. "Nasaan sila?" I immediately asked Shield as we continued walking. "They're staying. Don't ask me why—I don't give a damn," he shot back, clearly knowing exactly who I meant. "Even your mother?" "Told you already—this place is her home. Her base is here." Hindi na ako sumagot. Nakalapit na rin kami sa chopper. Mas malakas na ang hangin dito dahil umiikot na ang mga rotor blade nito. Kinuha ng isa sa mga tauhan nila ang mga bag namin bago ako inalalayang makapasok ni Shield sa loob. "Brother!" Susunod na sana si Shield nang bigla na lamang may sumigaw sa kung saan. Sabay-sabay kaming na