Empress "Shield..." Muli siyang gumalaw, pero parang hinang-hina. Umangat siya at hinihingal na umalis mula sa ibabaw ni Tom. Sinipa niya palayo mula sa tiyan ni Tom ang baril. Humagis ito sa 'di kalayuan. May bahid na ng dugo ang damit niya, pero mas marami ang sa damit ni Tom. Mukhang si Tom ang may tama. Halos hindi na ito gumagalaw, pero dilat pa ang mga mata. Pansin ko rin ang pagbabago ng kanyang paghinga. Maya-maya'y unti-unti itong ngumiti, na nauwi sa mahinang pagtawa. "G-Ganito niyo na lang ba kabilis ... t-tatapusin ang buhay ko? D-Di niyo man lang ako p-pinahirapan." Blood slowly began to spill from his mouth. Lumapit na sa akin si Shield pero ang mga mata niya ay nananatili pa rin kay Tom. Hinawakan niya ng mahigpit ang kamay ko. Hinayaan ko naman siya. "D-Did you hea