NAKARAANG APAT NA TAON THIRD PERSON POV "Mr. Montgomery, kailangan na po nating isailalim agad sa emergency cesarean section si Rhodora. She's lost a significant amount of blood. Critical na ang kondisyon niya." "W-What? Why? What happened?!" Namutlang bigla sa matinding takot at kaba si Skyler habang nakatitig sa doctor. Napalapit na rin sa kanila ang pamilya niya. "She's experiencing severe postpartum hemorrhage. Nawalan na siya ng malay, at mabilis na bumababa ang blood pressure niya. Kailangan namin agad ng blood transfusion. Type AB-negative siya, and we're currently low on supply." "Wala bang available?!" agad na sigaw ni Skyler. Nag-panic siya at tila hindi na malaman ang gagawin. Samantala, napahinto sa paglalakad si Sasha, na dapat ay paalis na nang marinig niya ang sigaw n