Empress
"This will be your room." Binuksan ko ang isang pinto na katabi ng silid ko at ipinakita kay Hescikaye. "I hope you won't mind—it's really small, and there are only two rooms in this unit. One is mine. Nasa dulo naman ang bathroom at share lang din tayo doon."
Pumasok kami sa loob ng silid. Luminga naman sa paligid si Hescikaye habang bitbit ang bag niya.
"Pagpasensyahan mo na rin itong maliit na kama at manipis na mattress—"
"It's fine, really. I can sleep anywhere," agad naman niyang sagot nang may ngiti sa labi. Ibinaba niya sa kama ang bag niya.
"I'll just get a blanket and fresh pillowcases," paalam ko bago ako lumabas at mabilis na kumuha ng mga kailangan ko sa loob ng silid ko.
Pagbalik ko sa silid niya ay nadatnan ko siyang nakatanaw sa bintana, at parang may malalim na iniisip.
"Okay ka lang ba?" tanong ko sa kanya. Kaagad ko nang pinalitan ang mga punda ng unan.
Lumingon naman siya sa akin. "Hindi ko alam... Matagal na akong inuudyukan ni Ae na iwan na ang pamilya ko dahil hindi na sila healthy sa akin. Not all of them—just my dad."
Napatitig ako sa kanya. Nababasa ko ang pait at sakit sa mga mata niya.
Matapos kong ayusin ang mga unan ay lumapit ako sa kanya at sumandal sa gilid ng bintana, at humalukipkip habang nakaharap sa kanya. "Siguro ... ayaw lang ni Aegia na makita kang patuloy na nahihirapan... When the person who's supposed to protect you is the very one causing you pain."
Hindi kaagad siya sumagot. Muli siyang bumaling sa bintana at tumitig sa labas.
"I did everything I could," she whispered. "I always followed my Dad... I always defended him in front of others. But I didn't realize I was the one who needed defending from him... Minsan nga, naiisip ko, na baka hindi niya talaga ako anak... Baka si Hannafaye lang."
My heart ached for her. "You are worthy of love, Aye... Kahit hindi 'yon makita ng tatay mo, hindi nun binabawasan ang halaga mo."
Muli siyang tumingin sa akin, may mga luhang nagbabanta sa kanyang mga mata, pero ayaw pa ring tumulo. "Then why does it still hurt so much?"
"Because you still care," I answered honestly. "Even after everything, you still wanted him to choose you. To love you the way you deserved."
Hindi siya sumagot. Sa pagkurap niya ay tuluyan nang tumulo ang mga luha niya sa pisngi na kaagad din niyang pinunasan.
Huminga siya ng malalim at muling tumanaw sa bintana.
"Don't worry, you're not alone. I'm here, and so is Aegia—wait, is Aegia your boyfriend?" tanong kong bigla nang may maalala ako.
Bigla siyang napalingon sa akin at napanganga. Tumitig siya sa akin ng ilang segundo habang may nangungunot na noo na parang nalilito. Maya-maya ay tumawa siya.
Bigla din akong natawa, pero hindi ko rin napigilang magtaka sa reaction niya. "Sorry, I talk too much. Ito talagang dila na 'to, ayaw manahimik—"
"No, it's okay. Aegia's not my boyfriend," natatawa pa rin niyang sagot. "He's been my best friend since we were kids."
"Really? That long, huh? So that means Aegia's also from Palawan? Hindi kasi siya pala-kwento sa amin tungkol sa buhay niya."
Nakangiti naman siyang tumango. "Yes, kaya palagi pa rin siyang umuuwi doon."
"Oh, I see... Pero baka naman nahulog na siya sa 'yo kaya ganun na lang siya ka-concern sa 'yo. And I mean, why not him? He's handsome."
Muli siyang tumawa. "No, no. Ganun lang siya, pero iba ang type niya. Trust me. Iba rin ang type ko." She bit her lower lip, as if trying hard not to burst into louder laughter.
"Aah..." Hindi ko malaman kung tatango ba ako o ano. Hindi ko pa rin mapigilang magtaka. Hindi ko ma-gets ang sinasabi niya. Naging mahina yata ako ngayon. Antok na siguro ako.
"Teka, sasamahan mo ba ako bukas sa mga Garland?" tanong niya.
"Uuh—yes. I'll take you to Mr. Mark Anthony Garland's office. Mabait 'yon at siguradong tatanggapin ka niya kaagad sa trabaho. Here's what we'll do: maaga tayong gigising bukas, maghahanda ka nang mga masasarap at pinaka-the best mong recipe na dadalhin natin sa kanya para matikman niya."
Her smile widened instantly. "Alright, sounds good."
"So now, let's get some sleep since it's already late. We need to rest for tomorrow."
"Okay. Thanks again, Empress. Thank you for..." saglit na lumibot ang paningin niya sa buong silid, "...this place to stay. Hindi ko alam na may iba pang mabubuting kaibigan si Ae."
Mas lalo din akong napangiti ng malaki. "At maaasahan sa lahat nang kagipitan kahit saang laban pa 'yan," dagdag ko.
"Right. Akala ko dati ay mahirap ang buhay ni Ae dito sa Maynila. Mukhang nag-i-enjoy naman pala siya."
"Yes, I know he's happy with his current job."
She nodded with a soft smile.
"So, lalabas na 'ko." Sumenyas na ako sa pinto. "Let's get some rest."
"Okay, thanks again."
"Goodnight." Mabilis akong humalik sa pisngi niya at ganun din siya sa akin. "Sleep well. Forget everything that happened. No one harmful will ever come near you again."
"I hope so."
"Huwag mo lang kalimutan si God." Tumuro ako sa taas.
Napangiti naman siyang muli. "Yeah. Goodnight, Empress."
"Goodnight." Agad na rin akong tumalikod at lumabas ng silid niya. Ako na rin ang nagsara ng pinto.
Napabuntong-hininga ako ng malalim at pumasok na rin sa loob ng silid ko.
******
KINABUKASAN, maaga kaming nagising. Namalengke kami at tinulungan ko siya sa paghahanda nang lulutuin niya. Tatlong recipe ang napili niya. Mabilis lang din siyang magluto at masarap pa ang naging breakfast namin.
Inihatid ko siya sa Garland Culinary Corporation—ang opisina ng pamilya Garland na kilala sa buong bansa sa industriya ng pagkain at fine dining. Sinamahan ko siya hanggang sa loob at hanggang sa matikman ng CEO ang mga inihandang pagkain ni Hescikaye.
Nakalatag ito sa mahabang mesa ng conference room: Pan-Seared Herb-Crusted Chicken, Truffle Mushroom Pasta, at ang panghuling pambato—Ube Leche Flan Cheesecake.
Pero hindi na rin ako nagtagal pa dahil biglang tumawag ang assistant ni Magdalene. Pinapupunta niya ako sa studio para photoshoot namin ngayon.
"S? Are you still there?" I asked Skipper through my earpiece.
Pero wala akong natanggap na sagot mula sa kabilang linya. Sira-ulo talaga. Bakit ba nawala ang linya niya?
Kabababa ko lamang ng jeep. Nag-jeep na lamang ako dahil medyo malapit lang naman ang opisina ng mga Garland dito.
"Huh!" Nagulat naman ako sa napakalakas na busina sa likuran ko. Bwisit!
Agad ko itong nilingon at nakilala ko ang kotse ni Shield. Muli na namang nagbago ang t***k ng puso ko pero kaagad ko itong pinalis. Ngumiti ako ng bahagya at yumuko sa harapan ng kotse.
Nilampasan naman ako nito at tuloy-tuloy na pumasok sa private parking ng lugar nila. Doon ko natanaw si Skipper habang prenteng nakasandal sa isa pang kotse at tulala.
Nandito ka lang pala. Tsk!
Ilang ulit akong huminga ng malalim. Inalala kong muli ang mga ginawa ni Shield kay Aye, at itinatak ko sa isip ko na hindi ako dapat mahulog sa kanya dahil isa siyang kaaway. Isa siyang napakalibog na demonyo.
Muli kong hinawakan ang earpiece ko. "S," tawag kong muli kay Skipper, pero natatanaw ko siya mula sa malayo.
Nakababa na mula sa kotse si Shield.
Natanaw ko ang paghawak ni Skipper sa tainga niya, hanggang sa maramdaman ko na ang pagkabuhay ng linya niya.
"Long time no talk," I heard Shield say to Skipper.
"Tss," tanging sagot naman ni Skipper.
Nangunot bigla ang noo ko.
"Oh, come on, brother. After all this time, you're still holding a grudge?"
Bigla akong napanganga sa sinabing 'yon ni Shield.
What the—? Brother?!
Tinawag niyang brother si Skipper?
"Don't think it'll ever fade. And stop calling me brother. You're not my family," sagot naman ni Skipper sa kanya. Mahina pero nandoon ang diin. Naglakad na rin siya papasok sa loob ng gusali.
"Like it or not, we're family—same blood. And you can't marry our sister. That's just messed up," turan ni Shield, na siyang nagpagulantang bigla sa akin.
"Wait, what?!" I gasped.
Nanigas akong bigla sa kinatatayuan ko at napatulala.
Hell, no. Hindi ito maaari.
Nagmadali na ako sa paglalakad upang maabutan ko sila. Hawak ko ng mahigpit ang strap ng bag ko. Inunahan ko si Shield sa pagpasok sa entrance. Hindi ko siya pinansin na kunwari'y hindi ko siya nakita, at hindi ko rin naman siya tiningnan.
Agad kong hinabol si Skipper na ngayo'y naglalakad na patungo sa elevator.
"Hey, S."
Patuloy siya sa paglalakad pero alam kong narinig niya ako. Tuluyan ko na rin naman siyang inabutan at sinabayan sa paglalakad.
"Anong ibig sabihin ng mga narinig ko?" tanong ko sa kanya.
"Nothing," walang emosyon naman niyang sagot.
"Don't give me that ‘nothing.’ I know what I heard. So what?"
"Then why are you even asking? You already know."
Napanganga naman akong muli habang nakatitig sa kanya, ngunit patuloy pa rin kami sa paglalakad. "So totoo nga? Kapatid mo sila?"
"No."
Bigla akong napangiwi. "Ang gulo mo."
Hindi siya sumagot. Lumiko kami sa hallway at huminto sa tapat ng elevator.
"Iba pala ang type mo, ha. Family stroke? Incest? Seriously?" ani ko sa kanya.
"I’m not Selena’s brother."
Muli akong napalingon sa kanya. "Eh, ano 'yung sinabi ni Shield na magkapatid kayo? Si Shield lang ba ang kapatid mo? At si Selenah, hindi?"
Marahang tango lang ang isinagot niya.
"So that means ... you’ve known this family for a long time. I don’t get you. What about our mission?"
Bumuntong-hininga siya ng malalim at hindi sumagot.
"Nagpapagod lang ba tayo dito o ikaw lang talaga ang sagot sa lahat ng 'to? Kung matagal mo na silang kilala, ibig sabihin, marami ka nang nalalaman tungkol sa kanila... Or maybe … you’re just using this mission as an excuse to get close to Selenah."
"Just because you're part of a family doesn’t mean you know everything they’re up to," seryoso niyang tugon. "I don’t know their secrets. I’ve never been around them, and they know nothing about me. This is the first time we’ve ever met... We need to find the key."
"What key?"
"The key to everything... our parents."
I froze at what he said. Their parents?
Biglang tumunog ang elevator, at segundo lamang ay bumukas ito. Ilang mga tao ang nilalaman nito, at isa-isa silang lumabas hanggang sa maubos lahat.
Kaming dalawa naman ni Skipper ang pumasok sa loob.
Magsasara na sana ito nang isang kamay ang pumigil dito at bumungad sa amin si Shield. Agad nagtama ang aming mga mata. Napansin ko kaagad ang mga nangingitim niyang pasa sa pisngi.
Pinuruhan nga talaga siya ni Aegia, at may gana pa siyang magpakita sa mga tao ngayon?
Poor, handsome face. Ni hindi man lang niya nagawang bangasan si Aegia. Kalaki-laking tao. But he deserved it. That wasn’t even enough—he should be thrown in jail and rot there for the rest of his life.
At dahil umaarteng modelo ako, sisimulan ko na ulit ang trabaho ko ngayon. Yumuko ako ng bahagya sa harapan niya at bumati, "Good morning, Sir."
Hindi siya sumagot. Tuloy-tuloy lamang siyang pumasok dito sa loob at pumwesto sa tabi ko. Pinagitnaan nila akong dalawa ni Skipper. Mas dikit nga lang siya sa akin at nalalanghap ko na ang umaalingasaw niyang pabango.
Muli na namang nagbago ang kabog ng dibdib ko, kahit kanina ko pa ito sinasaway na manahimik. Hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko. Parang bigla akong naging robot. Tsk!
Sumara nang muli ang pinto, at namayani ang nakabibinging katahimikan dito sa loob.
No one dared to speak.
Nanatiling nakatutok ang mga mata ko sa pinto. Ganun din si Skipper mula sa gilid ng aking mga mata, pero hindi si Shield. Nakita ko ang pagpikit niya at ramdam ko ang paglalim ng kanyang paghinga sa tabi ko.
Shield
I felt that strange but comforting heartbeat again because Empress Leigh stood beside me. Her scent reached me in waves, delicate and calming.
I closed my eyes briefly and took a deep breath, drawing in her presence like a drug. God, she drives me insane.
My heart pounded. My fingers itched to reach and hold her, feel her warmth, and taste her lips again. I’ve missed those f*****g lips—soft, sweet, mine.
Kung bakit naman kasi sumabay pa 'tong asungot na Skipper na 'to. He ruined a perfect moment. Now I have to play it cool and keep my desires on lockdown.
Yeah, cool... with a face full of f*****g bruises. Damn it.
But seriously, bakit nga ba magkakilala silang dalawa? How the hell did that happen? Hindi kaya may something ang babaeng 'to sa kapatid ko?
No. I’m confident there isn’t. Skipper’s utterly obsessed with Selenah—head over heels, no doubt.
So, no matter what, it won’t change a thing. In the end, she’ll still fall for me. She’s mine.
The elevator doors opened again, and she quickly stepped out, like she was trying to avoid me. Skipper followed right after, and I was the last one to exit.
Sinabayan ko na lamang din ang katahimikan nila habang naglalakad.
Bumungad sa amin dito sa rooftop ang mahabang pool. At the far end, a stunning wall fountain flowed gracefully into the pool, adding a serene, almost cinematic vibe to the place.
This was where the photoshoot would be held.
The production team was already there, busy with preparations. Nandito na rin sila Mommy, Selenah at boyfriend nitong si Allen, mahigpit na karibal ni Skipper.
I smirked.
Pinakawalan pa kasi. Napunta tuloy sa isang malamya at mapagpanggap. Ngayon, pagtitig na lang ang kaya mong gawin. Di bale, may chance ka pa dahil lalaki din ang gusto ng Allen na 'yan, at palagi lang nitong kasama araw-araw.
Hindi ako si Selenah, na madaling mauto at manhid.
"Sir Shield, ano pong nangyari sa mukha niyo? Bakit ang dami niyo pong pasa?"
Napalingon ako sa nagsalita—it was one of the makeup artists, Velle. She looked completely shocked as she stared at me. Nagsisilapitan na rin sa amin ngayon ang iba pang mga modelo.
"Paano po kayo sasalang niyan sa photoshoot, Sir? Di po ba, kasali po kayo ngayon?" she added.
I couldn’t help but feel annoyed as I stared at her. "You’re a makeup artist, right? You should know how to cover this up."
"Y-Yes, Sir, I can do that. Nag-alala lang po ako sa inyo. Siguradong masakit po 'yan."
"Just fix it."
"Of course, Sir. Sisimulan ko na po ngayon na."
Agad na rin siyang kumilos. Naupo ako sa isang single sofa, at muling tumitig kay Empress, na ngayo'y kinakausap na ni Mommy.
I couldn’t wait any longer. I’ll have my hands on you soon.
Dahil magiging bida tayo ngayon sa camera.