Empress Napatitig ako sa hubad kong katawan sa harap ng salamin dito sa kwarto ko. Nalinis ko na ang dibdib ko at ngayon ay mas malinaw ko nang nakikita ang mga pilat ko. Mga bakas ng karahasan at pananamantala sa nakaraan ko. Only my family knows about them. But now, someone else has seen them. Someone who's part of the mission I'm currently on. Ang lalaking walang ipinagkaiba sa mga taong gumawa nito sa akin. Si Shield Montgomery. Na para bang sinadya ng tadhana na siya ang makakita sa mga pilat na pilit kong itinatago sa mundo. Sa kanya pa talaga, sa lalaking pinakaayaw kong bigyan ng kahit kaunting bahagi ng kahinaan ko. Sa lalaking kaya akong sirain—hindi lang bilang undercover agent, kundi bilang babae. Pumikit ako at pilit na pinigil ang pag-alon ng dibdib kong hinahabol ang p