Rhodora Hindi ako makapaniwalang tumitig sa kanya. Ngayon pa lang niya ito ginawa sa akin. Kakaibang talim ang nakikita ko ngayon sa mga mata niya habang nakatitig sa akin. "Marcel..." tawag sa kanya ng Ninong niya, na may halong babala. Tila natauhan din naman si Marcel at agad binitawan ang braso ko. Nakita ko ang pamumula ng balat ko. Halos bumakat doon ang mga daliri niya. Napakalakas din ng t***k ng puso ko, at nakakaramdam ako ng hindi maipaliwanag na sakit. “Our agreement is clear, right? You’re not allowed to enter my room until we’re married. You’ve seen how messy my room is,” paliwanag niya. Mahinahon na siya pero pakiramdam ko ay pinpilit niya lang gawin 'yon. "P-Pasensiya na," nakayuko kong sabi sa kanya. Agad nangilid ang mga luha sa aking mga mata. Tumikhim ang Ninong n