Empress Sumapit na ang photoshoot at ginanap ito sa tabing dagat. Hindi dumating si Shield, at ang sabi ng assistant ni Magdalene ay masama daw ang pakiramdam nito. Kaya mag-isa akong kinunan ng mga larawan. Mukhang hindi rin maganda ang mood ni Magdalene habang nakatitig kina Selenah at Skipper. Matatalim ang mga tingin ni Magdalene kay Skipper. May mga larawan sila na kasama din si Allen, at nararamdaman ko ang tensyon sa kanilang tatlo. Maaga rin itong pinatapos ni Magdalene. "That's all for now," she said before turning to Skipper. "Skipper, can we talk?" Walang emosyong tumango si Skipper. "T-Tungkol saan ang pag-uusapan niyo, Mom?" tanong naman kaagad ni Selenah. "Can I join you?" Nagmadali na ako sa pagbibihis habang nakikinig sa kanila. "No, Selenah. This is just betwee