When you visit our website, if you give your consent, we will use cookies to allow us to collect data for aggregated statistics to improve our service and remember your choice for future visits. Cookie Policy & Privacy Policy
Dear Reader, we use the permissions associated with cookies to keep our website running smoothly and to provide you with personalized content that better meets your needs and ensure the best reading experience. At any time, you can change your permissions for the cookie settings below.
If you would like to learn more about our Cookie, you can click on Privacy Policy.
ALYSSA "Ly, wag mo syang papansinin, kahit humingi sya ng sorry sa'yo, tiisin mo naman sya, kahit ngayon lang." bulong ko sa sarili ko, pagmulat ng mga mata ko. Ewan ko ba, paggising na paggising ko pa lang, ang bigat-bigat na ng nararamdaman ko. Alam ko kasing hindi na naman samin sasama ngayon si Den, alam ko, may Myco na naman. Pero syempre, hindi ko naman kayang tiisin na wag syang tingnan kaya pagbangon ko, tumingin agad ako sa tabi ko. At ganun na lang yung panlulumo ko nang makita na wala sya don. Baka maagang sinundo ni Myco. Hay. Sana pala hindi na lang ako sumama dito kung ganito din naman pala yung mangyayari. Mabibigat ang mga paa na bumangon ako at lumakad palabas ng kwarto. Kung pwede lang sanang umuwi na lang ako at doon na lang magmukmok pero alam kong gusto din akong ma