"Mabuti kung gano'n, kaya lang hindi kita matutulungan ngayon anak at pa alis kami ni Danish," sagot ni mama pero sinabi ko na ayos lang. Lumapit rin si Tito Danish sa amin na bihis na rin kaya nagmano ako. Hindi ko nga akalain na aabutan ko pa sila dahil akala ko ay maaga silang aalis kanina dahil iyon ang sabi nila. "Be careful while we're not around, hija. Later, Dexon will be back home, and he will stay here with you until we come back," sabi ni Tito Danish kaya natigilan ako nang marinig ko ang pangalan ng aroganteng anak niya. "We can't leave you here alone with just maids. I wish it's the end of the school year so you can come with us." Tipid na ngumiti ako kasi ayaw kong isipin pa nila ang tungkol dito. Malaki na ako at soon mag-eighteen na at ayos na ako kahit maiwan ditong

