AUBREY Una, mabagal lang ang bawat hagod ng dila ni Dexon sa labi ko hanggang sa unti-unting lumalim at natangay ako. Natagpuan ko na lang ang sarili ko na ibinuka ang bibig ko para bigyan siya ng malayang access hanggang sa sinipsip ang dila ko. Nanghihina at nangangatog ang mga binti na pumulupot sa leeg at batok niya ang mga braso ko bilang suporta dahil pakiramdam ko ay inubos ni Dexon ang lakas ko. Para siyang gutom na gustong ubusin ang labi ko. Panay ang hagod ng dila at sipsip sabay mariing kagat na tila inaakit ako ni Dexon hanggang sa natatangay naman ako at unti-unting ginaya ang paraan nang bawat galaw ng mga labi niya habang mariin na nakapikit at yakap niya. Ramdam ko rin na humagod sa basang katawan ko ang palad niya at basta na lang nag-palipat-lipat ang kamay sa dalawa