Nangunot ang noo ko habang nakatingin sa kanya. Ito ang unang pagkakataon na nakita ko siyang tila problemado. Malimit ay arogante kasi at suplado ang awra niya lalo na kapag umiiral ang kasungitan ng lalaking ito. "Aubrey, no matter what happen, remember, I'm always here beside you," sabi ni Dexon na nag-angat ng tingin kaya kahit malamlam ang liwanag na nagmumula sa lampshade ay naaninang ko ang itsura niya. Humaba na ang balbas sa mukha niya. Para rin siyang hindi nagsuklay at nagbihis man lang na sobrang magulo ang itsura at tila ba pasan ang mundo. "May problema ka ba, Dexon?" hindi nakatiis na tanong ko. Hindi ito sumagot at tinitigan lang ako. Hindi tuloy ako mapakali dahil pakiramdam ko ay may importante akong dapat malaman mula sa kanya kaya lang hindi ko naman matukoy kung an

